"Look, si Top iyon, 'di ba?" Napatingin ako sa lalaking tinuro ni Lhai. Si Top nga, ano naman kaya ang ginagawa nito rito sa department namin? Nasa kabilang building pa iyong sa kanila kaya imposibe na maligaw siya rito unless may sinadya talaga siya. "And so?" Kunwareng hindi interesadong tanong ko sa kaniya. "Ano sa tingin mo ang pinunta niya rito? Hindi naman siya maliligaw ng department dahil magkabilang dulo ang mga department natin. So, I assumed may sinadya iyan dito sa atin. What do you think?" "Likewise," simpleng sagot ko sa tanong niya. "I don't have an idea kung bakit siya nandito and I don't care. Should we care, Lhai?" Umiling siya sa tinanong ko sa kaniya. "Of course not. Curious lang. Hindi naman nagpupunta kung saan iyang si Top kun'di sa class room lang nila, sa de

