Kinukulit na ako ni Daddy. Panay ang tawag nito sa phone ko. Hindi ko naman masagot dahil busy ako sa paglagay ng make up sa mukha ko. Ngayon lang may pumasok na idea sa isipan ko. Kung balak akong ireto nila Mommy and Daddy doon sa anak ni Mr. Galero na si Stephen, kailangan gawin ko ang lahat ng bagay na hindi magugustuhan ng Bachelor na iyon. Well, based on my research, masyadong strikto at clean ang bachelor na iyon. For sure, mateturn off agad sa akin ang Stephen na iyon kapag nakita niyang makapal ang make up na nakalagay sa mukha ko. That's what I am doing right now, I am putting a heavy make up. Minsan kasi hindi na talaga ako naglalagay ng make up unless very important ng occasion na pupuntahan namin like birthday party, engagement party, and business party nila Daddy sa ibang b

