003

472 Words
"Hey Kris, namiss ka namin. Sobrang tagal mong hindi nagpakita. Alam mo bang isang taong pinapakalat ni tito ang mga pictures mo sa mga news outlet dito sa probinsya natin, para lang mahanap ka?" tuloy pa rin siya sa paghila sa akin. Isang taon? Ang alam ko ay pinabayaan lamang kami ni papa. Ang akala ko ay masaya pa itong nawala kami sa buhay niya. "Kuya, kailangan ko nang umuwi. Magpapagupit lang kasi ang paalam ko. Bibisita nalang ako bukas." Tumigil ito sa paghakbang at pinakatitigan ako ng seryoso. "Wala kang planong magpakita sa amin. 'yon ang totoo, Kris. Alam kong masama ang loob mo sa paghihiwalay ng mga magulang mo, pero wala kaming kasalanang mga pinsan mo." naramdaman kong humigpit ang kapit niya sa braso ko. Tanda ng napipinto niyang galit. "Sige umuwi ka muna, pero susunduin kita mamaya kahit saang lupalop ka pa nagtatago. H'wag mo akong subukan, Kris." nangangatog akong tumango sabay bawi ng braso kong panigurado ay namumula na. "Ihahatid na kita. Hintayin mo ako rito." Para naman akong napaparalisang sumang-ayon. Makaraan ang tatlong minuto ay nakasakay na nga ako sa kotse ng pinsan kong si kuya Kristoff. Siya ang panganay sa aming magpipinsan. Bagama't ramdam ko ang pagkasabik na makita ang iba pa naming mga pinsan ay hindi ko magawang matuwa sa kaisipang madidismaya si mama sa katangahan ko. "Kuya, I'm sorry. Pero pwede bang hayaan mo na lang na ako yung magkukusang lumapit? Tutal naman mukhang hindi naman kayo apektado sa pagkawala ko." di makatingin sa matang pakiusap ko sakanya na alam kong ikasasakit ng damdamin niya, pero kailangan nilang intindihin na mahirap para sa akin ito. Kung talagang desidido silang hanapin ako ay alam sana nila kung saang parte ba kami ng Pilipinas nagtatago. Pinilit sana nilang ibalik ako, kung talagang nangungulila sila sa akin. Baka kasi hindi naman talaga sila sincere sa paghahanap sa akin. "Kris, napakaselfish mo. Ni hindi ka nagpakita nung namatay si lola. Hinahanap ka niya hanggang sa mga huling sandali nya pero hindi ka dumating." puno ng hinanakit na sumbat sa akin ni kuya. Napayuko na lamang ako sa sobrang pagka-guilty. Ako ang paboritong apo ni lola. Tanda ko pa na lagi niyang pinipilit makipaglaro sa akin noon kahit na may kahinaan na siya- pero ni hindi ko man lang ginawang silipin siya sa kabaong niya. Selfish nga talaga ako. Humihikbi akong tumingin sa labas. "Kuya, pakihatid ako kina tito Jack. Doon ako tumutuloy ngayon. Anong oras mo ako susunduin mamaya?" Hindi na nito ginawang sumagot pa at ipinagpatuloy na lamang ang pagmamaneho. Hindi na rin sana ako muling iimik nang mapansin kong iba ang daan na tinatahak namin. "Kuya, saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan ko pauwi." kalmado kong tanong. Nang hindi pa rin ako nito sagutin ay tinikom ko na lamang ang aking bibig. Bahala na nga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD