Oneshot 01
Malungkot na nakatanaw ako sa kapatid kong nakahiga sa kama.Ang ganda ganda niyang bata.Siyam na taong gulang pa lang siya ng babuyin siya ng kinakasama ni mama.Tumulo ang luha ko dahil wala manlang akong magawa.
"Hayesha.Gising na,papasok ka pa sa school."Bulong ko dito habang tinatapik ang kanyang balikat.Hindi ito sumagot bagkus bumangon lang at tahimik na pumunta sa banyo.Naninibago ako.Masayahin si Hayesha pero dahil sa walang hiyang lalaking 'yon bigla nalang siyang nagbago.Nanikip ang dibdib ko sa sakit.Naaawa ako sa kapatid ko.
"A-ate." Mahinang sabi nito at kita ko ang pamumugto ng kaniyang mata.Sunod sunod na tumulo ang luha ko bago lumuhod sa harapan niya.Hinagod ko ang kaniyang buhok.
"P-pasensya ka na kay ate ha,p-patawad kasi huli na nakarating si ate.M-mahal na mahal ka ni ate." Umiiyak na sabi ko dito habang mahigpit na nakayakap.Ramdam ko ang bawat tulo ng luha galing sa kapatid ko,na mas lalong nagpapasikip sa aking dibdib.
"N-natatakot po ako a-ate." Garalgal na sabi nito kaya niyakap ko pa siya ng mas mahigpit.Hinele ko ito at hinalik-halikan sa noo at pisngi.
"Hayaan mo,sasama ka sa'kin.Aalis tayo dito.Tara tulungan mo 'ko bago pa sila dumating." Sabi ko at pumunta sa kabinet.Buo na ang pasya ko,nagdadalawang isip akong iwan si mama ngunit hindi ko na kayang makita na ganito ang sitwasyon ng kapatid ko.Mabilis akong nag impake.Mahahalagang gamit lang ang kinuha at inayos ko.Nagmamadali sapagkat alam kong padating na siya,padating na ang demonyo.
Biglang tumakbo palapit sa'kin si Hayesha.Nanginginig ito kaya binalot na din ako ng kaba.Doble-dobleng kaba.Napahinga ko ng malalim bago hawakan sa pulsuhan ang kapatid ko.Umiiyak ito ngunit lumuhod ako para punasan ang mukha nito at mahinang kinausap.
"Makinig ka kay ate,kahit anong mangyari ililigtas mo yong sarili mo maliwanag ba?Tumakbo ka at 'wag kang titigil.Naiintindihan mo ba ko?Hayesha?K-kapatid ko." Umiiyak na sabi at niyakap ulit ito.
"Opo,mahal po kita." Bulong nito kaya mas lalo akong napaiyak na nauwi sa hagulgol.Huminga ko ng malalim bago akayin ang kapatid ko para bumaba.Nakakarinig ako ng mga yabag,mabibigat at papunta ito sa direksiyon namin.Napatigil kami at nakiramdam,pumasok kami sa isang kwarto.
Napahawak ako sa bibig ko ng makita kong dumaan ang kinakasama ni mama.Malaki itong lalaki,hindi ko kakayanin kong maglalaban man kami.Hindi ko alam kong saan siya galing.Noong una ay maayos naman,ang ganda ng pakikitungo niya.Ngunit nitong nakaraang linggo ay may nagbago,lagi siyang nakatingin sa'kin ng may pagnanasa.Nananayo ang balahibo ko sa bawat tingin niya kaya nagbaon na ko sa trabaho ko para 'di na umuwi.Ngunit nagkamali ako.Kahapon lamang ay nakita kong hinipuan niya ang kapatid ko habang may kutsilyo sa leeg nito.Wala kong magawa dahil natatakot ako na baka saksakin niya si Hayesha.WALANG HIYA SIYA!
Tinanong ko ang kapatid ko kinagabihan.Ayaw niyang magsalita at nanginginig siya.Niyakap ko siya ng mahigpit habang paunti unti niyang kinikwento ang nangyari.
"S-sabi niya po mamamasyal kami kaya m-magbihis na daw ako.Maaga po kasi kaming nag uwian.Nung nandun na po sa k-kwarto a-ate-." Napaiyak ako ng napatigil ito sa pagsasalita.Hindi ako makahinga habang niyayakap ang kapatid kong humahagulgol.
"T-tapos po nakahanap na 'ko ng damit,pero andiyan po siya sa gilid ko.Papunta na po ako nun sa cr pero hinawakan niya ko sa braso ng m-mahigpit.Ang s-sakit po a-ate." Utal na sabi nito pero nagpatuloy pa din.
"P-pinilit niya po akong dalhin sa kama.Tapos po hinubaran niya ko tas hinawakan d-dito." Hinagod ko ang likod nito ng tinuro ang pribadong parte.Demonyo yong lalaking 'yon.Dapat una palang sinabi ko na kay mama yong kawalanghiyaan niya.
"Ate,t-tahan na." Bulong ng kapatid ko habang mahigpit na nakahawak sa aking kamay.Pinunasan ko ang luha ko tas unti-unting sumilip sa labas.Wala ang demonyo.Giniya ko ang kapatid ko pababa sa hagdan,may pagmamadali dahil baka kami ay abutan.Dahil dito ay nadapa ang aking kapatid kaya pinapasakay ko ito sa aking likuran.Palabas na kami ng sabay kaming matigilan sa malakas na boses.
"Saan kayo pupunta?Ayaw niyo na ba kay daddy?" Nakalolokong tanong nito habang may hawak na patalim.Binaba ko ang kapatid ko habang matalim na nakatingin dito.
"Walang hiya kang demonyo ka!Lumayas ka sa pamamahay namin!Magsama kayo ng kapatid mong r-rapist!" Galit na sabi ko na kalaunay naging pagtangis.Naiiyak ako dahil sa galit.
"Hindi ka ba nasarapan Allesha?Sabi ng kapatid ko nabaliw ka sa ginawa niya ah?" Tanong nito sa tonong nang aasar.Lalo akong nagngitngit.Walang hiya sila ng kapatid niya.
"Mamatay ka na,pinagkatiwalaan ka namin ni mama.Tinuring na din kita bilang papa namin pero binaboy mo lang kami.Dinala mo pa yong kapatid mong siraulo."Sabi ko at hinanap ang kamay ng kapatid ko ngunit wala kong naramdaman.Napalingon ako sa aking likuran at nakita kong hawak ito ng lalaking bumaboy sa'kin.Ang kambal ng kinakasama ni mama.
"Kamusta Allesha?" Nakangising tanong nito kaya napaiyak ako sa sobrang pag aalala.Nagpupumiglas ang kapatid ko pero hindi siya makaalis.Ano bang ginawa naming masama para maranasan namin 'to?
"Huwag na kayong umalis.Hindi din naman kayo makakatakas." Sabi ng demonyong nakatayo sa taas ng hagdan.
Kumuyom ang kamay ko.Nagtatagis ang ngipin ko.Nilabas ko ang nakatagong kutsilyo at binato sa taong nakatayo sa taas.Dumaplis ang kutsilyo sa balikat nito sa bilis ng pangyayari.Umigik ito sa sakit pero narinig ko namang napasigaw ang kapatid ko.Paglingon ko ay nakasabunot na sa buhok nito ang kamay ng taong lumapastangan sa'kin.Lumapit ako dito mabilis na sinuntok sa mukha.Nakailag ito pero hindi ko tinigilan.Iyak nang iyak ang kapatid ko kaya napapatigil ako sa pagsugod.Maya maya pa'y nakita kong pababa na ang kinakasama ni mama.Tumutulo ang dulo na galing sa balikat nito.May hawak itong baril.Mas lalo akong kinabahan para sa kapatid ko.
"A-ate.." Umiiyak na tawag ng kapatid ko.Nanikip ang dibdib ko habang sinasaulo ang mukha nito.Gusto ko lamang ay maligtas ang kapatid ko,kahit siya lang,kahit 'di na ako.
"A-ano bang gusto mo?" Madiin na tanong ko.
"Kayo,kayo ng kapatid mo.Kikita kami ng malaki kapag binenta namin ang mga video niyong nakahubad.Ang saya diba?Yayaman tayo." Nakangising sabi nito habang tinitingnan ang katawan ko.
"Tangina mo!Walang hiya ka!" Galit na sigaw ko at lumapit dito.Napatigil lang ako ng iniumang nito ang baril sa harapan ko,sa mismong noo ko.
"Ako.Ako nalang ang kunin mo." Mahinang sabi ko habang nanginginig.Hindi ko alam ang gagawin ko.Gusto ko lang ay maging ligtas si Hayesha.
"P-pabayaan niyo na si Hayesha,patakasin niyo siya.Ako nalang,'wag na ang k-kapatid ko." Garalgal na sabi ko kaya naibaba nito ang baril.Sumenyas ito na sa kakambal na bitawan ang kapatid ko.Lumingon ako sa kapatid kong papunta sa'kin.
"H-hayesha.K-kapatid ko." Umiiyak na tawag ko dito habang nakangiti.
"A-ate t-tahan n .." Mahinang sabi nito at biglang humandusay sa semento.Nanlamig ang buo kong katawan ng kumalat ang dugo sa pinagbagsakan nito.
"H-hindi!Anong ginawa niyo?Mga hayop kayo!"Hysterical na sigaw ko.Mabilis akong lumapit sa kapatid kong may munting luha sa mata.Lalo akong napaiyak habang hinahawakan ang likod nitong may tama ng baril.Paulit ulit akong napasigaw habang nakahawak sa lumaylay na nitong kamay.Ang kapatid ko.Ang kapatid kong karamay ko palagi.Ang kapatid kong nagpapangiti sa'kin kapag malungkot ako.Ang kapatid kong nakahiga ngayon sa mahaba na puting kahon.Sa kanyang kabaong.
"B-bakit mo iniwan si ate?" Tanong ko habang hinahaplos ang salamin ng kabaong.Napakaganda ng kapatid ko.Sayang lamang dahil naging malupit sa kanya ang tadhana.
"Gusto mo ng sketch pad diba?Sabi mo kapag magpapakasal na 'ko ikaw yong magdodrawing ng w-wedding gown ko.Sabi mo ikaw 'yong maid of h-honor.." Mahinang pag aalala ko sa mga magagandang memorya namin ng kapatid ko.
"M-mahal na mahal kita k-kapatid ko,magpahinga ka na.P-pasensya na dahil hindi kita naligtas sa pangalawang pagkakataon." Nanlulumong sabi ko habang nakatitig sa mukha nito.
May kamay na humawak sa balikat ko at nakita kong ang mga pulis iyon.Napapunas ako sa aking mukha at hinarap ito.
"Nakakulong na po ng pang habambuhay ang dalawang magkapatid.Napag alaman po naming may mental disorder sila at mga nymphomaniac.Babalitaan ko na lamang kayo kapag may balita na sa kaso." Seryosong sabi nito kaya napatango lang ako.
"Salamat." Tipid na sabi ko at tumalikod kaagad.Napasulyap ulit ako sa kapatid ko at muling napaiyak.
"Nagka hustisya din tayo kapatid.Sa puntong 'to ay naniwala na sila sa atin.Hindi ko alam kung sino ang dapat sisihin.Hindi naniwala ang iba noong nagsumbong ako.Dapat ba ang may mawala muna bago sila maniwala?Dapat ba ay ganito ang maging ebidensya para makamit natin ang hustisya?Dapat ba ay sampalin muna sila ng reyalidad na hindi ito biro?Na hindi ito isang laro,at hindi ito ginagawang biro lamang." Mahinang sabi ko habang nakatingin sa kawalan.Nanghihina ako,nawawala ako sa sarili.Hindi ko matanggal ang nangyari.
Napahawak ako sa aking braso ng maramdaman ang lamig na bumalot doon.Napalinga linga ako habang nagpupunas ng pisngi.Nagtataka sa nangyayari.
'Ate tahan na.' Mahinang bulong na aking ikinahagulgol.Wala na talaga siya.Iniwan na talaga ko ni Hayesha.