"Ayaw mong uminom?" tanong sa akin ni Dailann. Kasalukuyan kaming nasa DM Bar. Tinanong niya ako kanina kung gusto ko raw bang kumuha kami ng VIP room para mas maging komportable ako pero mas gusto ko rito sa nakikita ko kung gaano kasaya ang mga tao habang ka-bonding ang kanilang mga kaibigan o kasintahan. "Ayaw ko," sagot ko naman. May trauma pa ako sa huling beses na uminom ako ng walang pakundangan. Nagiging wild nga talaga ako. "Why? Takot ka bang..." Nang-aasar niyang pinalandas ang kaniyang daliri sa hiyas kong naka-expose dahil sa suot kong ragged denim short. Manipis lang din ang white long sleeve ko na hindi nakasara ang unang tatlong butones. "Shut up." Pinisil ko ang kaniyang kanang hita. Nagtama pa ang aming paningin. Bago pa ako makapagsalita ay dumapo na ang kan

