"Kenya!" untag sa 'kin ni Kenshane. Siniringan ko lang ito ng tingin at napabuntonghininga. Baka mangulit na naman ang isang ito, wala pa naman ako sa mood. Sinong magkakaroon ng mood kung ang haduf na stranger ay inanunsiyo sa buong MHIS ang kaniyang palabas na panliligaw niya sa 'kin tapos makikita ko lang sila ni Lysine sa parking lot na kulang na lang langgamin dahil sa sobrang sweet. Mukhang isang sasakyan lang din ang gamit nila. Ang galing. Napakagaling. Nakita nila ako kanina pero binalewala ko lang sila. Sakto naman kasi na may mga kasabayan kami kaya hindi na rin kami nagkausap pa. Ang duda ko ay ginagawa lang akong front cover ng dalawang iyon. Si Lysine talaga ang kaniyang gustong maging girlfriend at hindi ako. Sa madaling sabi ay ginagamit lang nila ako para itago ang

