"Ano'ng gagawin mo ngayon?" usisa sa akin ni Marciella. Alam na rin nito ang lahat-lahat tungkol sa amin ni Dailann at siya ang naka-assign na alamin ang tungkol sa away ng pamilyang Mhinn at Gong. Nagpatulong na ako dahil baka mabaril ko na lang bigla si Stranger dahil sa sama ng loob ko sa kaniya. "Wala," tipid kong sagot. "Nasa labas ng camp si Chairman Dailann. Mukhang nagbabakasaling makita ka. Kahapon ay nakita rin siya ni Kendra na pasilip-silip dito." Linggo ngayon kaya wala kaming pasok. Dalawang araw na rin akong nagmumukmok lang dito sa Flat ko. Hindi rin ako pumunta ng DH namin. Nagpapahatid na lang ako kay Jinro ng pagkain. "Paalisin niyo na bago ko pa mahagisan ng bomba," walang gana kong sabi. Saglit lang ako nitong tinitigan saka umiling. "May update na rin ako tu

