Nakahalukipkip ako habang nakamasid sa kay Dailann na maingat na iniisa-isang lapag ang groceries na mukhang pinamili niya na bago pa siya napadpad sa GC Area. "Pumunta na ako rito kahapon para mag-stock ng kakailanganin ko sa pagluluto kahit na hindi ako sigurado kung makakasama ba kita ngayon," sabi niya pa at isinuot ang pink na apron. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilang matawa. Ang cute niya kasing tingnan. Bagay din pala sa kaniya ang ganitong kulay. "Why are you laughing at me? Am I too cute?" may halong maktol niyang usisa. "I am not laughing at you." "Eh, ano lang?" "I am quite entertained." Napabusangot naman siya. "Para mo na ring sinabi na isa akong clown." Natawa na talaga ako sa kaartehan niya. Lumapit ako sa kaniya para tulungan na siya. "We need to slice

