Tahimik lang ako na bumaba sa aking sasakyan. Nasa parking lot na ako ng MHIS. Maaga pa naman kaya hindi rin ako nagmamadali. "Ikaw si Kenya Guieco, hindi ba? " Napaangat naman ako ng tingin saka napalunok nang mapagtanto kung sino ang nagsalita. Si President Dawn ang nasa harapan ko. Kahit na maamo ang mukha nito at mukha namang mabait ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Baka dahil ina siya ni Dailann. Relax lang tayo, bawal mag-panic. "Good morning, President Dawn. Ako nga po si Kenya Guieco." Ngumiti naman ito. "Natatakot ka ba sa akin, Miss Guieco?" Obvious ba? "Medyo," pag-aaminin ko pa. Natawa naman ito. "Dapat lang. Follow me." Tumango naman ako at sinundan ito. Tinahak namin ang daan papasok ng MHIS Campus. "Sabayan mo ako. Huwag kang bumuntot. Baka mamaya ay ma

