"Eto na lang panoorin natin!" masayang sabi ni Ellie habang namimili ng papanoorin namin "Annabelle! di ko pa to napapanood!" "Ha?Okay sige" sagot ko. Di ako makapagconcentrate, iniisip ko pa rin kasi yung itatanong nya sana kanina hanggang kasi matapos kaming kumain hindi nya pa rin tinatanong. "Okay! Game!" sabi nya pagkatapos i play yung movie. Umupo na sya sa tabi ko. Kahit ganito lang kami masaya na ako basta andyan sya kuntento na ako. "Ay wait! jan ka muna kukuha lang ako ng kumot" paalam nya "Wag na, kung lalamigin ka yayakapin na lang kita" pigil ko sa kanya, ayokong malayo sya sakin eh! "Di uubra yakap mo" singhal nya sakin tapos tumakbo na papunta sa kwarto. Naiiling akong tumingin sa t.v kung saan nagsisimula na yung palabas at bigla akong nakaramdam ng panlalamig nung m

