"Ano?! Di ba sabi ko ako susundo sa kanya?" Yan ang una kong narinig pagkapasok ko pa lang sa pinto ng unit namin. "Kasi naman kuya eh! Sabi mo tutulungan mo ako? Ni hindi ko pa nga naayos yung surprise ko! Bakit kasi ang aga mong umuwi?!" inis na sabi ni Dean. Pumunta ako sa pinanggagalingan ng boses nya at nakita kong nasa may kitchen sya, nakatalikod sya sakin kaya di nya ako nakikita. "Tungunu! Dahil lang next week ang pusta nyong mag asawa gusto nyong i-postpone yung plano ko?" galit na nyang sabi sa kausap nya sa phone He's wearing a blue long sleeves na nakatupi hanggang siko and black pants tapos suot nya yung apron ko, ang cute. Tumigil na sya sa pagsasalita, mukang nagsawa na syang kausap yung kuya nya, kung sino man yun sa dalawa. "Nakakainis! Hindi naman to magugustuhan

