"Kamusta na kayo ngayon ni Dean?" tanong sakin ni ate habang nagtitimpla ng gatas nya "Don't tell me na pinapunta mo ako dito para lang maki-tsismis tungkol samin ni Dean?" nakataas na kilay kong tanong "Then I won't tell you" nakangisi nyang sabi, inirapan ko naman sya. Baliw tong ate ko eh. Tinawagan ako kanina kasi daw mag isa lang sya dito sa bahay nila tapos pinapunta ako dito. Sabi ko ayokong pumunta kaya lang nagdrama sya sabi nya kapag daw nalaglag ang kambal nya ako daw may kasalanan kaya nakonsensya ako at pinuntahan sya dito, tapos ngayon para akong ini-interrogate? Tsk. "But seriously bunso, kamusta na ang landian nyo? Kinabog nya ang grand confession ng asawa ko. Imagine? Umamin sya in front of media, in short, sa harap ng halos lahat ng tao! Gosh! That was so, how can I s

