Why the f**k am I feeling this way? Bakit parang gusto kong sagasaan yung lalaking kasama nya kanina hanggang madurog ito ng pino? Tangina kasi! Bakit sa lalaking yun tumatawa sya tapos sakin lagi syang nakasinghal? Ang daya naman eh!
Kanina ko lang sya nakitang ngumiti na hindi pilit. And that was also the first time I saw her laugh and I'm not the f*****g reason why! Wait, ano naman kung hindi ako ang reason? Hindi ko naman sya gusto eh. Nag aalala lang ako kasi kapatid sya ni Jim na asawa ng kuya ko, tama yun lang, nag aalala lang ako.
"Sino yung kasama mo kanina? Boyfriend mo? Hindi kayo bagay" At sino namang bagay sa kanya? Tinatanong pa ba yan? Syempre ako! f**k! Ano ba tong pumapasok sa utak ko?! Hindi! Hindi pwede!
Hinintay ko syang sumagot o kaya awayin ako o singhalan katulad ng lagi nyang ginawa pero wala syang sinabi.
"Pupunta tayo sa Nueva Ecija" sabi ko ulit, siguro naman ngayon magwawala na sya at aawayin ako di ba? Isama ko ba naman sya ng di nya alam ang pupuntahan malamang ma beast mode to ng sobra.
"Hindi ka man lang ba magagalit?" tanong ko, kanina ko pa kasi hinihintay ang sagot nya pero wala pa rin. Tinignan ko sya at bigla kong nai preno ang kotse dahil nakita kong naka earphones sya, tangina, kanina pa ako nagsasalita pero di nya pala ako naririnig? Tanginumin naman oh!
Tinignan naman nya ako ng masama habang nakahawak sa seatbelt nya. Siguro naman ngayon kakausapin na nya ako o kaya aawayin. Hinintay ko na naman ang sasabihin nya pero pumikit lang sya ng mariin tapos huminga ng malalim at tumingin sa labas ng bintana.
"Look,I'm sorry for dragging you here. Naisip ko lang na baka gusto mo ng makita ang ate mo. Susunduin kasi sya ngayon nina kuya" Sabi ko, baka kasi kailangang ibahin ko ang strategy sa pakikipag usap sa kanya.
Tumingin sya sakin and I felt satisfied. Tangina, tingin lang nya masaya na ako, bakit? Pero dahil may pagka maldita talaga sya inirapan nya lang ako. Napabuntung hininga na lang ako, she will not talk, I can feel it.
Nagdrive na lang ako at sinundan ang mga kapatid ko na nauna na samin papunta dun sa rest house ni Luis. Isa pang animal yung lalaking yun, alam nya pala kung nasaan si Jim pero di nya pa sinabi.
Ipinarada ko ang sasakyan sa tabi ng kotse ni kuya Dion, as usual, di na naman nagdala ng kotse si kuya Red, kelan kaya magbabago ang kakuriputan nya?
"Andito na tayo" pero imbis na sumagot si Ellie ay mabilis itong lumabas ng sasakyan. I can prove it now, mas matigas nga talaga ang ulo ng mga bunso kesa sa panganay, dahil mas pasaway si Ellie kaysa kay Jim. well idagdag nyo na rin na mas sutil ako sa mga kuya ko.
"Ellie?! Nandito ka?" malakas na sabi ni Lily
"Cupcake, hinaan mo ng konti ang bibig mo, hindi natin mapapalabas si Jim ng ganyan" sabi naman ni kuya Red
"Wag mo nga akong kausapin" sagot ni Lily " Sinong kasama mo?" baling naman ni Lily kay Ellie. Tumingin lang sa direksyon ko si Ellie
"Si Dean ang kasama mo?! Gosh! Ang cute naman! Bagay kayo!" walang prenong sabi ni Lily.
"Sabi ko nga, hindi pala kayo bagay. Hehehe, tara na kunin na natin si Jim" parang kinakabahang sabi ni Lily ng makita nyang walang expression na lumabas kay Ellie. Mas nakakatakot palang tignan si Ellie kapag blank ang expression nya kesa yung sumisigaw sya.
"Asan ba yung baliw na yun?" sa wakas nagsalita rin si Ellie!
"Andun sya sa may ilalim ng mangga, nagsesenti!" parang nagsusumbong na sabi ni Lily
"Bakit di mo pa tawagin?" Ellie asked as she tilt her head. Bakit ba ang gandang tignan ng mga gestures nyang ganun?
"Ewan ko sa mga yan, gusto daw nilang kidnapin kasi alam mo namang hindi makikinig si Jim kay Dion kung mag uusap kaagad sila"
"Paano nyo ba kikidnapin?"
"hahantayin daw nila hanggang lumabas si Jim"
"Aabutin kayo ng taon kung ganun ang gagawin nyo"
"Kung pasukin ko na lang kaya sa loob?" suggest ni kuya Red
"Kausap ka?" sabi naman ni Lily kaya naman umurong si kuya, tss, under.
"Nasaan ba si kuya Dion?" tanong ko naman
"Ayun oh! nakatingin sa may bakod! para ngang namboboso eh!" turo ni Lily kay kuya, muka nga siyang namboboso.
"Anong plano nyo para lumabas sya?" tanong naman ni Ellie
"Hindi ko alam, paano ba lalabas yan?" sagot ni Lily
"Sumugod kayo dito ng di nag iisip? Ang galing" sarcastic na sabi ni Ellie
"Bakit? Ikaw ba may naiisip?" tanong ko naman pero inirapan nya ako
"May barbiturates kayong dala?" tanong ulit ni Ellie
"Naman, may dala si pande- I mean si Dior, walang kwenta kasi ngayon si Dion" sagot ni Lily
"Good, bigay mo na kay Dion yung gamot tapos pagtaguin nyo malapit sa gate" utos ni Ellie kay Lily. Sumunod naman kaagad yung dalawang utu uto
"Ano bang iniisip mo?" naguguluhan ko namang tanong
"Watch and learn" she smirked, ano bang klaseng babae to? Ang lakas ng epekto, ng kahit na anong gawin nya, sa akin?
"Naibigay na namin nakatago na rin sya" inform samin ni Lily
"Okay, tara, punta tayo sa may malapit kay ate" naglakad sya papunta sa bakod habang nakasunod kami
"Ano ng gagawin?" parang excited na tanong ni Lily
"Lily may tanong ako" seryosong sabi ni Ellie kaya naman tumahimik kaming lahat
"Ano yun?" seryoso na din si Lily
"Paano tumawa ang mangkukulam?"
"Psssssssssshhhhhhh! akala ko naman seryoso ka na!"
"Shhh! bunganga mo! Sige na, paano tumawa ang mangkukulam?"
"Hihihihihi?"
"Lakasan mo!"
"HIHIHIHIHIHIHI?"
"Hoy! Kayong dalawa tignan nyo kung kumikilos na si ate!" baling samin ni Ellie
"Bakit ba para kang reyna kung mag utos?" reklamo ko pero sumunod naman ako.
"Wow! Ang galing mo Ellie! naglalakad na sya papunta sa gate!" sabi ni kuya Red. Naglalakad na nga si Jim papunta sa gate pero di ko ma gets kung bakit nauto sya sa ganong klaseng way.
"Tawa ka pa Lily!" utos na naman ni Ellie
"Bakit kaya di mo rin ako tulungan?"
"Ayoko nga, napasama lang ako dito eh" ingos ni Ellie
"Palabas na sya, magtago kayo" sabi ko naman agad kaming nagtago pero di ko alam kung maiinis ako o matutuwa sa pusisyon naming apat.
Nakatayo si Lily pero nakahawak sa likod ni kuya, tapos si kuya naman medyo nakayuko at nakatukod ang kamay sakin tapos ako nakaluhod na. Si Ellie naman kulang na lang mag indian sit at dahil mas mababa at malapit sya sakin amoy na amoy ko ang buhok nya. Hindi ako mahilig sa melon pero mukang mahihilig na ako dahil ganun ang amoy ng buhok ni Ellie.
"Hindi pa ba napapatulog ni Dion?" tanong ni Lily
"Hindi pa cupcake, wait ka lang" sagot naman ni kuya
"Wag mo nga akong kausapin" sagot ni Lily sabay tulak kay kuya at dahil nga nakatukod sya sakin napasama ako sa pagkatulak.
Naramdaman ata ni Ellie ang nangyayari kaya napaharap sya sakin pero bago pa sya naka alis ay napasubsob na ako at bago pa sya bumagsak hinawakan ko na ang ulo nya buti na lang at medyo napigilan ko pa na sumubsob sa muka nya pero sana di ko na pinigilan, ang lapit na ng muka nya sakin while her eyes are tightly close as if waiting na mauntog na sya ng tuluyan.
"Gosh! Hoy tumayo na kayo jan nakuha na si Jim!" tili ni Lily bago nagmamadaling tumakbo papunta kina Jim
"Wait cupcake!" sigaw ni kuya bago tumayo at ginamit ang ulo ko para kumuha ng pwersa para tumayo kaya di ko na napigilan na magdikit ang muka namin ni Ellie.