Tatlong araw na since malaman namin na nawawala si ate. Narinig ko nung isang araw na parang may lead na ata sila kung nasaan sya pero di na ako nagtanong, I know my sister, ilang beses na nyang napatunayan sakin ang pagiging selfish stubborn nya. Kapag may gusto syang gawin gagawin nya talaga at wala syang pake sa mga taong mag aalala para sa kanya.
"Miss Pascual, kanina ka pa dito?" nakangiting bati sakin ng isang naglalakad na perpektong estatwa. Bakit ko nasabing perpektong estatwa? Para kasi siyang inukit, sa sobrang pagka deep set ng mata nya pati ang ilong nyang ang perfect masyado, tapos ang puti nya pa, grabe.
"Ikaw ba si Mister Girard?" I asked, sya kasi yung dahilan kung bakit ako naghahantay at nagmumuni muni sa restaurant na to na puno ng nag iinarteng tao
"Yeah, I'm Chester Girard and please call me Chester, nakakatanda yung Mister Girard" he said as he offered his hand
"okay, then you should call me Ellie" I answered as I accepted his hand shake "Have a seat"
"Thanks. Anyways, I won't beat around the bush, I really like your paintings especially yung may title na the other world, eto nga oh, ginawa ko pang wallpaper" sabi nya sabay abot ng phone nya sakin na ikinangiti ko, ang ganda palang gawing wallpaper yun?
"Talaga? Do you know the meaning of that painting?" I asked curiously, may masama akong kutob sa taong to.
I've posted some of my paintings on a blog under a pseudo name at doon nakita ng taong to yung paintings ko he searched for my e mail and messaged me at dahil wala akong magawang matino sa bahay nakipagkita na lang ako sa kanya.
"That painting depicts a world that tries too hide from judgemental people's eye. Am I right?" simpleng sagot nya. Wow, ang galing nya. I've painted that nung tinanong ako ni mama at papa kung ano gusto kong course after ng high school pero di ko masabi na gusto ko ng fine arts or architecture as a course. Medyo may allergy kasi talaga si mama sa pagdo drawing eh.
"Some people thinks that, that painting was an abstract one, pero nasabi mo yung gusto kong makita nila about dun sa painting, tell me do you also have another world na itinatago mo from judgemental people?" I asked, pakiramdam ko kasi gusto kong bumahing dahil dito sa kausap ko.
"You're not just a good artist,you're also a good observer. I do have a world that I try to hide but I think hindi uubra sayo yung pagtatago ko" sabi nya habang umiiling
"Siguro nga" I said smiling "About dun sa offer mo na bigyan ako ng scholarship, pwede bang pag isipan ko muna? Kasi like you, I'm also hiding a big part of my world to my family-"
"You mean you also belong to the rainbow community?!" he said exaggeratedly
"No!" sabi ko sabay iling "Haha, what I mean is, my family doesn't know that I'm an artist" kelan ba nung huli akong mag open tungkol sa estado ko sa pamilya namin? Ewan ko ba, I feel comfortable with this guy.
"Bakit mo itinatago sa family mo yun? Ang galing kaya ng talent mo! Even my lolo likes your paintings. Speaking of him, he also wants to meet you, actually sya nga yung gustong magpa aral sayo. He said just name your school and he will take care of all the bills plus allowance mo"
"Parang masyado kasing maganda ang offer nyo sakin kaya medyo duda ako" I said, diba kasi kapag maganda
daw ang offer scam yun o kaya ibenta nila ako, ayoko nun!
"Don't worry wala kaming lahing sindikato. May anak kasi si lolo na itinakwil nya dahil nalaman nya na nag aaral pala yun ng fine arts kesa sa business management at hanggang ngayon di pa rin bumabalik yung anak nyang yun." tsk, kaya naman pala
"Oh, so it's like his atonement for not understanding his child? May hugot pala ang reason nya" I chuckled
"Medyo, so payag ka na? Kahit anong school, kahit ibang bansa pa yan"
"What's the catch? I mean, yeah I understand how frustrating it is not to see your child after a long time but for you to push this scholarship, parang sobra naman ata" Tama naman diba? Pwede naman silang mag pa exam kung gusto talaga ng lolo nyang magpamudmod ng scholarships pero bakit personal pang pumunta yung apo nya para ipagduldulan sakin yung scholarship na yun?
"Yan din ang sinabi ko sa kanya pero ang sagot nya lang sakin ay sumunod ako at wag titigil hanggat di kita napapapayag kung hindi daw ipapaalam nya kay daddy ang tunay kong gender" he said then he pouted.
"Ganun? Pano ba yan, ayokong tanggapin yung offer nyo, ibig bang sabihin nun maglaladlad ka na?" nang aasar kong sabi, komportable nga kasi ako sa kanya
"OMFG! I'm only 22! Please naman, pumayag ka na, ayokong ipa murder ng tatay ko kapag nalaman nya!" sabi nya, buti na lang konti pa lang tao dito
"Hahahaha, really? Okay lang yan, ayaw mo nun baka makapareho ng tatay mo yung lolo mo. Kapag wala ka na tsaka lang nila marerealize na dapat pala sinuportahan ka na lang niya" I said chuckling
"Noooooh, hindi pa ako nagkakajowa, ipa experience mo muna sakin yun" sabi nya na parang nanakot, bigla syang nawalan ng poise at ipinatong ang baba nya sa lamesa kaya lalo akong natawa
"Mukang ang saya saya mo ah" Tinignan ko si Chester kung sya yung nagsalita pero parang natulala sya kaya napatingin ako sa tinitignan nya and the heck! ano na namang ginagawa ng lalaking to dito?
"Ikaw na naman?" bakit ba kung kelan nag eenjoy ako bigla na lang tong sumusulpot?
"Oo, ako na naman" seryoso nyang sabi " Ibang klase ka rin, nawawala na yung kapatid mo pero nakukuha mo pang makipag date" sabi nya sabay tingin ng masama kay Chester
"You never fail to ruin my day" I said "Kung kayang maglayas ni ate kaya nya ring bumalik. I don't need to stress myself on worrying where on this planet she's hiding" I said
"Alam kong alam mo kung nasaan si Jimuelle! Sabihin mo na sakin!!!" dinig kong sigaw ng kung sino. Parang nanggagaling ata sa may kitchen area
"Gago! Kahit alam ko diko sasabihin! Hindi ko sya babalik sayo!!" dinig ko na namang sigaw. Yung totoo, restaurant ba to o sabungan? ang ingay eh!
"s**t! Nagwawala na sya!" Dean hissed bago nagmamadaling umalis
"Sino yun?" tanong sakin ni Chester
"Ewan ko, baliw ata eh" sagot ko naman tapos ininom yung avocado shake ko. Marami pa akong mga sigawang narinig hanggang sa may makita akong mga gwardya na may hinihila pero di ko na inalam kung sino, para san pa? As if naman kilala ko yun.
"Sumama ka sakin!" dinig ko na namang sigaw, pero parang ang lapit na tapos naramdaman kong may humablot sa kamay ko at kinaladkad ako.
"Hoy! Ano bang problema mo? Bitawan mo ako!" sigaw ko habang pilit kinakalas ang kamay nya
"Marami akong problema! Wag kang makisabay sa inis ko!" sigaw nya sakin, aba aba! Sino sya para sigawan ako?
"Bwisit ka! Wag mo akong sisigawan!" sigaw ko din sa kanya. Tumigil sya sa paglalakad tapos tumingin sakin tapos tinuloy na nya ulit ang paglalakad. Naisigaw ko na ata lahat ng murang alam ko sa kanya pero di na sya umimik hanggang makarating kami sa isang nakaparadang kotse.
"Sakay" mahinahon nyang sabi pero tinignan ko lang sya ng masama tapos sinipa ko sya pero mukang alam na nyang gagawin ko yun kaya nakaiwas sya
"You can't do the same trick on me twice. Sumunod ka na ngayon, please lang" seryoso nyang sabi, pota, bakit kailangan kong sundin to? Do I have a choice? Wala kang choice ngayon Ellie, di uubra ang manglaban sa herodes na yan dahil bukod sa hanggang dibdib ka lang nya mukang galit talaga sya. Fine, whatever. Pumasok na lang ako sa kotse at di na nagsalita bahala sya dyan, peste talaga!