“WHAAAAT???!!!!” makabasag eardrums na tanong ni Chester “Iniwan lang kita nung isang araw na single ang status ngayon kakausapin mo ako na married na? Anong klaseng genie ang hinilingan mong impakta ka?” “Chess, di ako bingi” “kasi naman e! Ang bilis namang kumilos ni Dean! Kasal kaagad? Di ka man lang niligawan!” “Gaga! Napilitan lang yun na pakasalan ako! Tinakot kasi sya ni papa” totoo naman eh. Hindi naman magpapakasal sakin si Dean kung hindi dahil sa pressure na binigay samin ng mga magulang namin “I doubt that” umiiling na sabi ni Chester bago humigop ng espresso “E ikaw? Were you forced to marry Dean?” nakataas na kilay nyang tanong. Napilitan nga lang ba ako? “Hindi ko alam” I sighed “This past few days I always decide without thinking. Ni hindi ko nga alam kung anong dap

