Kasal... Kasal... Kasal... Tungunu! Kasal na kami!!! Huhuhuhu. Hindi ko alam kung paano nangyari, sobrang bilis kasi talaga! At ngayon ko lang napansin na parang pinaghandaan na ewan ang lahat! Ganito kasi yung nangyari. *Flashback* "Trust me with this my queen" pagkasabi sakin nun ni Dean, tinignan ko sya, e iba talaga epekto sakin ng mata nya kaya tumango na lang ako. "Ayun! Okay na! Red tawagin mo na si uncle Luke mo sa labas!" utos ulit ng nanay nila, nagmamaktol naman na sumunod si Dior Ilang sandali pa bumalik na ulit si Dior at ngayon may kasunod na syang lalaki na nasa mga late forty. "Luke! I'm so glad you've arrived with that notice" masayang sabi ng nanay ni Dean dun sa bagong dating tapos nagbeso sila. "Of course! Kahit nga nasa Hong Kong ako kahapon ay nagmadali ak

