Bakit ba ang ingay ng paligid? Peste naman! Di ba nila alam na natutulog ako?! Tss, pasalamat ng kung sino mang maingay na yun dahil ang bango ng unan ko ngayon kung hindi, nakuu! Bubulyawan ko talaga sya. Niyakap ko na lang yung unan ko para makatulog ulit ako kaya lang, bakit niyakap din ako ng unan ko? "ANONG IBIG SABIHIN NITO?!!" dumadagundong na sigaw ng kung sino, putspa! Sobra na! Inaantok pa ako eh! Nagmulat na ako ng mata, s**t! Nasaan ako?! Hindi ko to kwarto! Tinignan ko muna yung katawan ko, pota, bakit hindi ko damit ang suot ko? Tumingin ako sa paligid at nakita kong may nakatayong babae sa may pinto, sya ba yung sumisigaw? Teka, parang sya yung... sana mali ang iniisip ko! huhu Unti unti naman akong lumingon na parang makakakita ng multo sa tabi ko "Hmmm..." Pota, pa

