Ilang linggo ko ng di nakikita si Dean simula nung inihatid nya ako sa bahay, at super okay lang yun sakin no?! Tss, feeling naman kasi nun ang gwapo nya e mas gwapo naman sa kanya si... teka, sino nga bang mas gwapo dun? A basta! Masaya ako na hindi ko na nakikita yung kumag na yun! Yung kumag na yun ang kumuha ng first kiss mo! Potspa, kailangan laging ipaalala? "Ellie! Dito ka lang okay?! Bibili lang ako ng drinks!" masayang sabi ni Chester Ewan ko ba sa baklang to, lagi na lang akong niyayang gumala. Ginagawa nya kasi akong front para makapag boy hunting sya. Hindi ko pa rin tinatanggap ang alok nila sakin pero lagi kong binibisita si lolo Art. Sina mama naman hindi ako gaanong pinipressure ngayon kung saang school o anong course ang kukunin ko, ewan ko sa mga yun, may mood swing di

