Mas lalo na ngang naging malapit sina Shiny Star at Darius sa isa’t isa. Nabawasan na rin ang pagiging masungit nito sa mga babae, lalo na sa kaniya. Maliban siyempre sa dalawang babaeng hindi pa rin tumitigil sa paghabol dito. Si Denise, araw-araw yatang nakatambay sa coffee shop malapit sa building ng Stary Dreame Corporation, makita lamang si Darius. Habang si Joan naman ay araw-araw ring dumaraan sa opisina ni Darius, para lang magpapansin. Kaya naman naisipan tuloy ni Darius na isama siya palagi sa opisina nito. Nagtataka na nga si Nanay Nena sa ikinikilos ni Darius. Ngunit wala naman silang magagawa, amo pa rin nila ang binata. Wala naman sanang problema sa pagsama sa kaniya ni Darius. Pero kasi kakaiba na rin ang kaniyang nararamdaman para rito. Ayaw man niyang aminin, at pigilan m

