“Sa wakas, nakabalik na rin ako sa aking tunay na kaanyuan! Hahahahahaha!” Dumadagundong ang halak na iyon na nagmumula sa planetang Aurora. Muling nagbalik sa kalawakan ang mga planetang naglaho ng mahabang panahon dahil sa kasakiman ni Rigel sa kapangyarihan. Nabulag ito sa panlilinlang na ginawa ng itim na nilalang na ngayon ay masayang nakaupo sa trono ng dating hari ng mga Aurorian. “Salamat sa iyong kahangalan Rigel. Kung hindi dahil sa iyong kasakiman, hindi ako muling manunumbalik sa tunay kong wangis,” nakangisi pa niyang kausap sa hawak niyang baston na may malaking kristal na kulay asul at kahel. “Isa kang manggagamit! Pakawalan mo kami rito ngayon din!” Narinig pa niyang wika ng isang tinig na nagmumula sa kristal na iyon. “At bakit ko naman gagawin iyon hari ng mga Orion?

