Chapter 37

1661 Words

Samantala sa Planetang Orion... “Kamahalan! May masama kaming balita!” Kasalukuyang nasa bulwagan si Rigel nang humahangos na dumating ang kaniyang mga alagad. “Anong masamang balita ang inyong sinasabi?” tanong niya sa mga ito. “Nawawala ang bihag!” anang isa sa mga alagad niya. “Tanging ito na lamang ang aming natagpuan sa silid na iyon.” Iniabot pa nito sa kaniya ang lusaw na kristal. Agad na nagbaga ang kaniyang mga mata at mabilis na nagtungo sa kaniyang pribadong silid kung saan niya ipinagapos si Shiny Star. Nang makapasok sa silid ay agad siyang humiyaw at nagtapon ng apoy sa silid na iyon. Sinabayan din niya ng dumadagundong na hiyaw ang ginawa niyang iyon. Galit na galit na nilisan niya ang silid na iyon, at nagtungo sa isa pang silid kung saan niya ginagawa ang isang mahikan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD