Kinabukasan, nagising si Shiny Star dahil sa pag-iingay sa kaniyang paligid. Nagmulat siya ng kaniyang mga mata, at nakita si Darius sa b****a ng kanilang silid na may hawak na mga bulaklak. Iniikot niya ang kaniyang paningin, at nakita naman niya ang kaniyang mga tagapangalaga na tila tuwang-tuwa sa kanilang nasasaksihan. “Kanina ka pa niya hinihintay prinsesa!” kinikilig na wika ni Shimmer. Natawa naman siya rito saka bumangon at naupo sa gitna ng kaniyang kama. Tumingin siya kay Darius na ngayon ay papalapit na sa kaniyang hinihigaan. Agad namang nagpulasan ang kaniyang mga tagapangalaga at iniwan sila ni Darius doon. “Good morning my princess,” nakangiting bati sa kaniya ni Darius sabay abot nito sa hawak na bulalak sa kaniya. Nakangiting tinanggap naman niya iyon saka sinamyo ang

