Ligtas na nakalapag sa planeta ng mga tao si Shiny Star. Mainam rin na sa bakuran ni Darius siya lumapag. May kadiliman na ang paligid nang makarating siya sa planeta ng mga tao. Kaya naman ngayon ang kaniyang buhok ay nagliliwanag sa dilim. Ginamit niya ang kaniyang isip upang kausapin sina Glitter at ang dalawa pang tagapangalaga. ‘Glitter, Shimmer, Sparkle, naririnig niyo ba ako? Ako ito si Shiny Star,’ aniya sa kaniyang isip. ‘Prinsesa! Ikaw ba talag iyan? Nasaan ka? bakit naririnig namin ang tinig mo?’ magkakasunod na tanong ni Glitter sa kaniya. ‘Pumarito kayo sa likod ng bahay ni Darius, narito ako’t kailangan ko nang pantakip sa aking buhok,’ sagot niya sa mga ito. Hindi na muling sumagot ang mga tagapangalaga niya kaya naman naghintay na lamang siya sa pagdating ng mga ito. Il

