Masayang-masaya si Luminous na makitang muli ang kaniyang kapatid na si Bright. Ang laki na nang ipinagbago nito mula noong huling beses niyang makita ito. Tila pati pisikal na kaanyuan ng kaniyang kapatid ay nagbago rin. “Kumusta naman ang iyong naging buhay mula noong umalis ka sa ating planeta, aking ino?” tanong niya rito. “Maayos naman ang naging buhay namin sa planetang Sram. Isang planetang halos kawangis natin ang mga nakatira. Payak at tahimik ang aming naging buhay roon. Ilang beses naming sinubukang kunin ang aming anak na si Twinkle, ngunit sa kasamaang palad, hindi ko mapagana ang sasakyang pangkalawakang nilikha ko roon. Kaya sa paglipas ng panahon, nawalan na ako ng pag-asang makapiling pang muli ang aking anak. Mapalad namang nabiyayaan kaming muli ng isa pang anak. Si L

