Chapter 33

2011 Words

“Dalhin siya sa aking pribadong silid at siguraduhing nakagapos siya ng mabuti!” utos ni Rigel sa kaniyang mga alagad. “Masusunod kamahalan!” sagot naman ng mga ito saka dinala si Shiny Star sa pribadong silid nito. “Magaling Rigel!” bati sa kaniya ng itim na nilalang na basta na lamang sumulpot sa kaniyang likuran. Napangisi siya sa sinabi nito sa kaniya. Nilingon niya ito at hinarap, “Magagawa ko na rin ang aking mga plano. Muli nang maibabalik ang mga naglahong planeta,” humahalakhak niyang saad sa itim na nilalang. “Gamitin mo ang buhok ng prinsesa, upang maisakatuparan ang iyong binabalak. Oras na manumbalik ang mga planetang naglaho, ikaw na ang kikilalaning pinakamakapangyarihang nilalang sa buong kalawakan!” dumagundong ang malutong na halakhak nito sa loob ng silid na iyon. ‘

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD