Samantala sa planeta ng mga Sirius, hindi pa rin napapakali sina Reyna Glowy at Haring Luminous. Simula nang umalis sila sa planeta ng mga Orion, ay hindi na sila muling nakatanggap ng mensahe buhat sa kanilang aya. Napilitan na ring aminin ng reyna sa kaniyang kabiyak ang katotohanan dahil sa labis na pag-aalala nito. FLASHBACK... “Bakit mo inilihim sa akin ang tungkol dito?” tanong sa kaniya ng kaniyang kabiyak nang makarating sila sa kanilang planeta. “Hindi ko nais ang maglihim sa iyo mahal kong hari. Ngunit alang-alang sa ating anak na si Shiny Star, napilitan akong itago sa iyo ang lahat,” aniya sa kaniyang kabiyak. “Hindi ko nais ang mapahamak ang ating anak kaya naisip kong mas makabubuti kung kami na lamang ng ating aya ang makaalam ng tungkol doon.” Humugot nang malalim na p

