“Salamat sa pagdadala sa amin dito Darius,” nakangiting saad ni Shiny Star sa binata. Nakahiga sila ngayon sa isang picnic blanket na inilatag ng binata kanina. Gabi na kaya naman kitang-kita nila ang mga bituin sa kalangitan. Komportable rin siyang nakaunan sa braso ni Darius. “Walang anuman aking prinsesa.” Nakangiti pa itong lumingon sa kaniya. Sinulyapan naman niya ang binata saka ngumiti rin dito bago ibinalik muli ang paningin sa kalangitan. Napakaganda talaga ng mga tala sa kalangitan, iyon nga lang malayo ito sa kanila. Hindi katulad ng sa kanilang planeta na halos maabot nila ang mga iyon. “Kung ilalarawan mo ang inyong planeta, anong itsura no’n?” maya-maya’y tanong ni Darius sa kaniya. “Hmmm, ang aming planeta ang pinakamaliwanag na planeta sa buong kalawakan. Mayroon kami

