Kinabukasan ay laman na nga ng social media ang video na wala namang kahit na anong imahe nila ni Darius. Dahil sa nakabalot sila ng kaniyang buhok nang kuhanan ang video na iyon, maging si Darius ay hindi nakuhanan ng video na iyon. “What the heck is this video all about?” tanong ni Darius sa kaniyang sarili nang mapanood ang kumakalat na video na iyon. Wala naman sanang problema roon. Ang kaso nakalagay sa caption ang kaniyang pangalan. “CEO and owner of Stary Dreame Corporation, Darius Gomez is dating an Alien?!” iyon ang nasa caption ng post. Kaya naman ngayon ay kaliwa’t kanan ang mga tawag sa kaniya. Kagaya ngayon, si Dylan naman ang tumatawag sa kaniya. “Hello Dylan,” agad niyang bati rito sa kabilang linya. “Woohhh! Couz sikat ka ngayon ah! Nakakasikat pala ang video na wala n

