“Buwisit na Shiny Star iyan! Bakit ba hindi siya masira-siraan?” inis na inis na sambit ni Joan habang umiinom ito ng wine sa loob ng VRC kasama si Rondgin. Ilang beses na kasi niyang sinubukang siraan ang pagkatao nito sa publiko, ngunit bigo siyang gawin ang bagay na iyon. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay palagi itong nakakalusot. Kagaya na lang ng video na ipinakalat niya. It turns out nagvideo lang siya sa isang madilim na lugar. Hindi niya matanggap na napahiya siya roon. Pangalawa ay noong tangkain niyang hubarin ang pilukang suot nito sa ulo nito. Kahit anong gawin niya ay hindi iyon nahubad sa ulo nito. Tuloy na-bash siya ng mga tao dahil doon. Noong huli nga ay nag-selfie siyang kasama ito sa background, nang muli niyang ipakalat iyon ay naroon naman ang imahe ng dalaga. N

