Napabangon si Darius nang biglang dumilim ang paligid, ngunit saglit rin namang lumiwanag. Tumayo siya mula sa kaniyang kama at saka nagtungo sa veranda ng kaniyang silid. Tumingala siya sa kalangitan at nakitang maaliwalas naman iyon. Bigla siyang kinabahan at dali-daling lumabas ng kaniyang silid upang magtungo sa silid nila Shiny Star. ‘Ano kaya ang bagay na lumukob sa kalangitan?’ bulong pa niya sa kaniyang sarili, habang naglalakad patungo sa silid ng kaniyang kasintahan at mga tagapangalaga nito. Nakita niyang nakaawang ang pintuan ng silid ng mga ito nang makarating siya roon. Lalo naman siyang kinabahan dahil doon, kaya itinulak niyang pabukas ang silid at natagpuang wala roon ang mga dalaga. Napasabunot siya sa kaniyang buhok at naglakad-lakad sa loob ng silid na iyon habang na

