Nakarating sa kaharian ng Orion sina Haring Luminous at Reyna Glowy kasama ng mga alima ni Rigel sa tulong ng kaniyang kapatid na si Bright. Nang maihayag ng hari ng mga Orion ang mga pangyayari, agad na sinubukan ni Luminous na kausapin ang kaniyang ino gamit ang kaniyang isip. Matagumpay namang nakuha ng kaniyang ino ang kaniyang mensahe, kaya agad itong nagtungo sa kinaroroonan nila gamit ang sasakyang pangkalawakan nito. “Maraming salamat sa inyong pagtulong sa amin ng aking alima. Ngayon, maghintay tayo sa pagbabalik ng aking anak na si Rigel. Oras na para wakasan ang kaniyang kasamaan,” anang hari ng mga Orion na si Castor. “Paano natin siya pipigilan gayong hawak niya na sa mga oras na ito ang aming anak at aya?” nangangambang tanong ni Reyna Glowy. “Hindi ko rin batid kung papaa

