Kabanata 21 Naging tahimik ang ilang araw ko dito sa states. Hindi ako nakauwi dahil sa delayed flight, palaging nire-reschedule kaya ngayon maghihintay na naman ako ng apat na araw para makauwi na. Simula ng nangyari yung gabing pumunta siya sa bahay ni Clifford, hindi na naulit pa ang pang gugulo niya. Mabuti naman at tinantanan niya ako, I'm so tired and I really need rest. Sa bahay ako ni Ford tumuloy na muna, he insisted too. Ayaw niyang mag apartment ako kaya nag stay muna ako sa bahay niya. Habang nanatili ako dito, tumutulong ako sa gawaing bahay lalo pat kami lang dalawa ang nakatira dito. I need to help him para naman may maiambag ako dito. Gusto ko siyang makita, miss na miss ko na ang asawa ko pero natatakot ako, takot ako na baka mas doble ang sakit ang maidulot niya ulit k

