Natutuwa naman si Mercedes dahil mabait na si Rachelle sa kaniya at nakita niya ang pagbabago nito. Iniisip din ni Mercedes baka tanggap na ni Rachelle na mawala si Marcelo sa buhay niya. Lumipas ang tatlong buwan nabinyagan na si Marzel tulad nang sinabi ni Randy ninong siya nang bata. Madalas nang namamasyal sila Mercedes kasama ang kanilang anak na si Marzel. Masaya ang kanilang pamilay punong-puno nang pagmamahal at sagana sa buhay. Parang isang reyna ang trato ni Marcelo kay Mercedes. Mas minahal pa niya ito at mas iniingatan. “Marcelo maraming salamat sa pagmamahal na binigay mo sa akin at sa anak nating si Marzel, ang saya-saya ko Marcelo.” Saad ni Mercedes habang nakayakap kay Marcelo. “Mercedes ikaw na ang mundo ko, ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay. Kayo nang an

