"Mercedes, ano ba ang paalam niya sa 'yo kagabi? Si Alfred ang kasama niya 'di ba?" tanong ni Lola Claudia. "Opo lola nag-aalala lang po ako. Tatawagan ko po muna si Alfred, baka alam niya kung nasaan ngayon si Marcelo." Seryosong saad ni Mercedes. "Okay iha, ako muna ang bahala sa apo ko. Maligo ka na din para mamaya ng kaunti ay mag-breakfast na tayo." saad ni Donya Claudia. Kinuha ni Mercedes ang phone niya at tinawagan niya si Alfred. Sinagot naman agad ni Alfred ang kaniyang cellphone. Dahil kagigising lang din nito at naalimpungatan pa ito. "Hello good morning." sagot ni Alfred sa kabilang linya. "Alfred good morning, si Marcelo ba kasama mo ngayon?" tanong ni Mercedes kay Alfred na pakamot- kamot pa ng kaniyang singit bago sumagot ulit. "Hello, nasa condo ni Rachelle natulog

