Mercedes kailangan nating mag-usap please. Hindi ko alam kung bakit napunta ako sa condo ni Rachelle." saad nito. "Huwag mo akong kausapin! At huwag mo akong kumbinsihin na wala kang alam dahil ginusto mo naman!" sumbat ni Mercedes. "Mercedes no! Wala akong ginusto doon, maniwala ka sa 'kin. Mercedes please, wala akong alam. Si alfred, kailangan natin siyang makausap. Baka alam niya kung bakit ako nakatulog sa condo ni Rachelle. Maniwala ka sa 'kin asawa ko. Ang natatandaan ko lang ay binigyan ako ng wine ni Rachelle tapos bigla akong inaantok at wala na akong naalala. Paggising ko nasa kama na ako ni Rachelle." Paliwanag ni Marcelo, tinititigan ni Mercedes si Marcelo pumasok sa isip ni Mercedes na plano ni Rachelle ang lahat. Pinaniwala silang Lahat ni Rachelle na okay na ang lahat pero

