“Lola ginawa sa ‘yo ni Rachelle ‘yan? napakasama na talaga ng babaeng ‘yon pati ikaw sinasaktan niya?” Hindi makapaniwala na tanong ni Alfred. “Baliw na ang babaeng ‘yon pinapaalis niya ako sa sarili kong mansion dahil ang gusto niya ay gawin siyang reyna ni Marcelo, kawawa si Marcelo walang alam sa kahayopan ni Rachelle, binabantaan niya kasi ako na kapag magsasalita ako kay Marcelo sa mga alam ko ay papatayin niya ang bata, pinapili niya ako aalis ba kami o isusunod niya kami kay Mercedes. Mas pinili ko na lang na aalis kesa mapahamak ang apo ko sa mga kamay ni Rachelle.” Wika ni Donya Claudia habang tumulo ang mga luha niya. “Ma’am Claudia bakit ‘di mo sinabi kay Marcelo ang totoong ginawa ni Rachelle sa ‘yo? hindi ka naman siguro pababayaan na Marcelo at siya mismo ang nagpakulong

