"Zack? Ikaw ba 'yan?" tanong ni Carla na nanginginig pa ito sa takot, habang yakap-yakap niya si baby Marzel, hindi niya ito hinahayaang mawala sa kaniyang mga braso sobrang higpit ang kaniyang pagyakap sa bata dahil sa kaniyang takot. "Lola halika na po, huwag na kayong matakot safe tayo. Bumaba na tayo lola." saad ni Carla na natataranta sa sobrang takot, wala din kasi siyang alam sa pangyayari. "Carla halika na, hawakan mong mabuti si Marzel." Saad ni Donya Claudia habang nanginginig ang tuhod sa sobrang takot, ang akala kasi niya ay katapusan na ng kaniyang buhay. "Opo lola, halika na po." bumaba sila Carla sa kotse at sumakay sila sa van kung saan naghihintay sa kanila si Mercedes sa loob, Nakita sila ni Mercedes pero hindi nila ito nakilala dahil nakatakip ang mukha nito. Tinitiga

