Lahat kami ay nakahilera sa couch at nanonood lang ng telebisyon. Wala kaming pasok ngayon. O mas magandang sabihin ko na suspended kaming lahat dahil sa ginawa ni Vanessa kay Sir. France. Hindi kasi namin kaagad dinala si Vanessa sa Director kaya naman pati kami ay nadamay. Pero okay lang naman sa amin iyon. Mas gusto nga naming nandito na lang sa bahay, eh. Makakapagrelax pa kami. Nalaman na rin nilang lahat kung anong nangyari sa pagitan nina Vanessa at Sir. France. Galit na galit nga sila kay Sir. France gaya ng inaasahan ko. Hindi naman sila nagtanim ng tampo kay Vanessa dahil naiintindihan naman daw nila ito. Masaya ako dahil mukhang masaya rin si Vanessa sa naging takbo ng mga pangyayari. Masyado kasi siyang nag-aalala na baka magalit sa kanya ang mga loko. "This is quite boring.

