Wala na yata akong hihilingin pa. Kasama ko na si Mama Pristine ngayon dahil pumayag siya na sa bahay na rin ni Vanessa tumira. Nalaman kong sa malayong bayan pa siya nakatira para masigurado niyang hindi siya mahahanap ni Logan. Nalaman ko rin na madalas siyang bumabalik sa parke, nagbabaka sakali siyang makikita niya ako roon. Buti na lang talaga niyaya ko si Marui na bumili ng ice cream ng araw na iyon dahil kung hindi, hindi kami magkikita ni Mama at hindi ko siya makakasama ngayon. Maayos din ang pakikitungo nina Mama at Papa sa isa’t-isa. Para na nga silang mag-kumare at mag-kumpare, eh. Close na rin si Mama sa mga kaibigan ko lalong-lalo na kay Vanessa at Marui. “Ivo, ang aga mo naman yatang nagising?” bungad sa akin ni Mama nang pumasok ako sa kusina. Malayo pa lang ako ay naamoy

