"Vanessa, hindi ka pa ba tutulog? Ilang araw ka nang puyat, ah?" tanong ni Casper sa kanya. Ilang araw na siyang walang pahinga dahil sa paghahanap kay Ivo. Ni hindi na siya nakakakain ng maayos. Wala siyang ginawa kundi ang maghanap ng mga impormasyon na makatutulong sa paghahanap kay Ivo. Habang natagal na hindi nila nakikita si Ivo, mas lalong nadadagdagan ang kaba sa puso niya. Umiling si Vanessa habang hindi inaalis ang paningin sa librong binabasa niya. Gabi na pero nasa loob pa rin sila ng silid-aklatan sa Rosario Academy. Wala nang natitira sa eskwelahan kundi sila lang. Dahil sa alam naman ng mga nakakataas ang tungkol sa mga nangyayari, pinayagan silang manatili muna rito para mag-imbestiga. Napabuntong hininga na lang si Casper. "Kapag nagkasakit ka, mas lalo kang mahihirapan

