Madaling maghanap ng isang bagay o tao kapag alam mo na kung saan ka magsisimula pero ang mahirap ay kapag nagsimula ka nang maghanap, madaming bagay na makakapagpalito o makakapagpagulo sa'yo. Hindi magkamayaw sina Julius, Casper, Neil at Morris sa kanilang gagawin. Nang umalis si Vanessa kasama ang tatlo ay nagsimula na silang magkagulo ukol sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa kayamanan. "Julius! Akala ko ba nagreresearch ka? Naglalaro ka lang, eh!" bulyaw sa kanya ni Casper. "Ang dami pang nakabukas na tab kaya bumabagal ang laptop mo. Ang dami ring nakabukas ng applications. Tigilan mo nga muna 'yan! Wala tayong patutunguhan nito, eh!" Pinaputok muna ni Julius ang bubble gum sa labi niya. Tinapunan niya ng masamang tingin si Casper. "Bakit ikaw? Wala kang ibang ginawa kundi ang k

