Ilang araw na ba akong nakatigil sa loob ng kwartong 'to? Ilang araw na ba akong pinapahirapan ni Geoffrey? Hindi ko na alam kung makakatagal pa ba ako rito. Ang tanging hihintay ko na lang ay ang kamatayan ko. Pero sa ilang oras na pagkablangko ng isipan ko, naisip ko si Mama na umiiyak. Naisip ko rin si Papa na nakakunot ang noo habang kagat-kagat ang kuko niya, gawain niya kapag kinakabahan siya. Naisip ko rin si Vanessa na kahit na palagi akong tinatarayan, alam kong nag-aalala rin siya sa akin ngayon. Pati na rin ang buong barkada. Kahit na puro kalokohan ang ginagawa nila, alam kong humahanap sila ng paraan para mahanap ako. Gusto ko nang magpahinga pero kapag sumuko na lang ako ngayon, wala rin akong mapapala. Ayokong biguin ang mga taong nag-hihintay sa akin. Nakahanap na ako ng e

