FRAME-UP
Rico
NASA HARAP KO ngayon ang mga tauhan ko na sekretong pinagmemeetingan namin ang gagawin mamaya. Hindi ko alam kung anong ginagawa rito ni SPO3 Carpio pero hindi ko na siya pinansin dahil mas importante ang gagawin naming operasyon sa golden anniversary ni Chief.
"Siguraduhin niyo na hindi kayo magpapahalata sa mga bisita dahil baka masira pa natin ang selebrasyon ni Chief at ni Mrs. Trinidad. Maliwanag ba?"
"Yes, General,"
Tumango ako at dinismiss na sila. Nag-ring ang phone ko kaya agad kong kinuha sa bulsa. Napangiti ako nang makita na si Bettina ang tumatawag kaya umalis ako sa protection room at sinagot ang tawag ni Bettina.
"Bakit, maldita ko?" bungad ko.
(Sasabihin ko lang na kulay pink ang gown ko. Kaya magsuot ka ng kahit pink na kurbata.)
Napailing ako at napangiti, "Okay," tumingin ako sa relo ko at alas singko na pala, "Susunduin na lang kita d'yan. Pauwi na ako," dagdag ko.
"Okay, nag-aayos na ako.."
"Wag kang masyadong magpaganda. Baka maging agaw-pansin ka pa."
(Tsk. Ayan ka na naman. Wala ka naman magagawa kung agaw-pansin talaga ang kagandahan ko. Kaya kahit na hindi ako mag-ayos ng bongga ay pansinin pa rin ang beauty ko.)
Natawa ako at napailing. Talaga naman, oh.
"O, sige."
(Okay, see you later, Tanda. I love you.)
"Mahal din kita. Bye."
(Bye.)
Napangiti ako na inalis na tenga ang phone ko. Binulsa ko ang phone at maglalakad na sana ako patungo sa opisina ko nang makita ko si SPO3 Carpio o Hadji Carpio.
"Binalik ako ni Chief dito."
"Mabuti naman."
Tinapik ko ang balikat niya pero hinawi niya ang kamay ko at ngumisi sa akin.
"Nagtataka ako na naging General ka, pero hindi mo man lang malaman agad ang prime suspect sa mga babaeng nara-r**e dito. Puro kasi babae ang inaatupag mo. Bata pa, ha?"
Nagseryoso ako sa sinabi niya. Kahit naman mataas ang katungkulan ko ay hindi niya ako nirerespeto. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang pagkasuklam sa akin at kahit na wala naman akong ginagawang masama sa kaniya ay para sa kanya'y lagi akong masama at lagi niyang pinapalabas na hindi ako nararapat sa posisyon ko.
"Wag ako ang sisihin mo kung bakit ako narito ngayon sa posisyon ko. At kung sa tingin mo ay ikaw ang mas tama sa posisyon ko ngayon, bakit hanggang ngayon ay SPO3 ka pa rin?"
Sumama ang tingin niya sa akin pero hindi ako natatakot sa tingin niyang iyan. Dahil hindi ko naman siya kinakatakutan. Ayoko sanang yabangan siya dahil hindi ko naman gawain iyon, pero dahil nilait niya ako'y hindi ko na palalagpasin ito.
"Ito ang tandaan mo. Mawawala rin kung nasaan ka ngayon. At kapag nangyari iyon, sisiguraduhin ko na puputulin ko ang kayabangan mo."
Hindi ko na siya pinansin at nilagpasan ko na siya. Napahinga ako nang malalim at pumasok sa opisina ko. Pero nagulat ako sa pagpasok ko ay bumungad si Mariz. Napasandal ako sa pinto at agad ko siyang hinawakan sa braso nang halikan niya ako. Ayaw niyang bitawan ako kaya pwersahang humawak ako sa balikat niya at nilayo siya sa akin kaya napaatras siya.
"Anong ginagawa mo, Mariz?" seryoso ko siyang tiningnan at binitawan ko ang balikat niya. Pinunasan ko ang labi ko habang nakatingin sa kaniya ng seryoso.
"Mahal na mahal kita, Rico. Pakiusap, ako na lang."
Ambang lalapit siya ulit para halikan ako ay pinigil ko siyang muli sa balikat.
"Pasensya na, Mariz. Pero hindi ko matutugunan ang nararamdaman mo. Tanging kaibigan lamang ang kaya kong ibigay sa'yo."
Napaiyak siya at napayuko. Napahinga ako ng malalim. Ayokong saktan siya pero kung kailangan na sabihin ko iyon ngayon ay hindi ako nagsisisi. Alam ko na sobra siyang depress sa nangyari sa kanya. At naaawa ako sa kaniya dahil nagagawa niya ito dahil akala niya ay wala nang mawawala sa kanya.
"Rico, kaya kong ibigay ang lahat sa'yo. Papaligayahin kita at hindi ka magsisisi."
Binaba niya ang strap ng suot niyang sleeveless. Tiningnan ko lang siya ng seryoso nang maghubad siya sa harap ko.
"Isuot mo na ang damit mo, Mariz."
Lalo siyang napaiyak at napapikit ako nang sampalin niya ako kaya pumaling ang mukha ko.
"Sabi mo ay poprotektahan mo ako! Sabi mo ay mananatili ka pa rin sa tabi ko kapag tumanda tayo! Sabi mo ay hindi mo ako iiwan! Nasaan na ang pangako mo?! Bakit si Bettina pa ang minahal mo na sasandaling panahon mo pa lang naman siya nakikilala? Ako, ako na matagal nang nasa tabi mo ay hindi mo man lang minahal? Alam ko naman na ramdam mo na may pagtingin ako sa'yo, pero wala kang sinasabi. Akala ko noon ay may gusto ka rin sa akin dahil sobra kang mag-alala sa akin at palagi mo akong sinasabihan na nasa tabi lang kita palagi."
Tumingin ako sa kaniya at napahinga ng malalim. Hindi ko akalain na ganoon pala ang dating sa kanya ng pagturing ko bilang kaibigan.
"Patawad kung mali man ang pagkakaintindi mo sa kinikilos ko, Mariz. Patawad din kung hindi kita naprotektahan sa mga taong gumahasa sa'yo. Pero totoo ang sinabi ko na narito pa rin ako, pero bilang kaibigan mo, Mariz. Patawad kung hindi ko masusuklian ang nararamdaman mo."
Lalo siyang napaiyak at tumalikod siya sa akin para lapitan ang bag niya na nakapatong sa lamesa ko. Kinuha niya rin ang phone niya doon. Umalis ako sa pinto at napahawak ako sa bridge ng ilong ko dahil parang sumasakit ang ulo ko sa nangyari. Ayokong makasakit ng damdamin ng babae, pero wala na akong magagawa dahil totoo ang mga sinabi ko. Hindi ko naman kasi akalain na ang kilos kong iyon ay bibigyan niya ng kahulugan. Alam naman niya na ganoon rin ako kumilos sa ibang babae. Alam niya na ganoon ko ginagalang ang mga babae.
Napahinga muli ako ng malalim at lumapit sa table ko. Inayos ko na ang gamit ko dahil kailangan ko nang umuwi para magbihis. Baka mahuli pa ako sa pagsundo kay Bettina.
-
Bettina
Nakangiti na pinagmamasdan ko ang sarili sa salamin. Suot ko ang pink long dress na cube habang ang flits ng tela niya ay may design na rose. It's my Mommy's design. I love this. I feel like I am a princess.
Nag-side view ako at lalo akong napangiti dahil napakaganda ko sa ayos ko. Light make-up lang ang nakapahid sa mukha ko. Habang ang itim na itim kong buhok ay nakalugay habang kinulot lamang ang dulo. At syempre, hindi mawawala ang signature bangs ko.
Umikot ako habang hawak ang dulo ng long dress ko. Excited na ako. Ito ang unang beses na aattend ako ng pagdiriwang na ka-date si Tanda.
"Tina! Your prince is here na!" si Mommy.
Napangiti ako lalo sa sinabi ni Mommy. Kinikilig at excited tuloy ako na nilapitan ang pouch na dadalhin ko. Tiningnan ko pa ng isang beses ang sarili sa salamin at nang makontento ako ay agad na akong lumabas ng kwarto.
Bumungad sa akin si Mommy kaya napangiti ako. Napangiti siya at tiningnan ako.
"You're so beautiful, Anak. Manang-mana ka talaga sa akin," aniya.
"I know right," tugon ko
Natawa kami pareho at inaya na niya ako kaya hinawakan ko ang dulo ng long dress ko habang pababa ng hagdan.
Nag-angat lang ako ng tingin nang ilang hakbang na lang ako sa hagdan. Nakita ko si Tanda na napatayo habang titig na titig sa akin, kaya nama'y para akong pinamulahan ng pisngi sa titig niya.
Shocks! Ang gwapo-gwapo niya lalo. Ngayon ko lamang siya nakita na nagsuot ng formal suit. Bagay na bagay sa kaniya dahil napakakisig niyang tingnan. Isabay pa ang moreno niyang kulay, ang katangkaran niya, at ang tindig niya na nababagay talaga sa klase ng suot niya. Kahit na messy ang buhok niya ay mas nagpadagdag pa iyon ng kakisigan niya.
Nang makalapit ako sa kaniya ay nginitian ko siya.
"Ang ganda mo," puri niya kaya rinig ko ang impit na tili ni Mommy habang nakayakap sa likod ni Daddy. Napatikhim si Dad dahil nabubugbog na siya ni Mommy sa sobrang kilig.
"Thanks,"
Gosh. Gusto ko siyang halikan dahil bakit habang tumatagal ay mas lalo siyang kumikisig. Tiyak ako na kapag may nakakita sa kaniya na ibang babae ay hindi pwedeng hindi siya makaagaw ng atensyon.
"Tara na," aya niya kaya tumango ako at tumingin kela Dad at Mom.
"Dad, Mom, we need to go," lumapit ako sa kanila at bumeso.
"Esquivar, dapat bago mag-alas dyes ay narito na si Bettina."
Napairap ako at napasimangot sa sinabi ni Daddy.
"Dad, I'm not a child anymore. Please, doon na lang ako kela Tanda matutulog. Please. Please."
"No, I wont tolerate this again. Hinayaan ka na namin nung una, kaya hindi pwede na umulit ka pa. 'Di ba, nanliligaw pa lang sa'yo si Esquivar. Kaya bakit sa kanila mo gustong matulog? Tama ba 'yon?"
Napanguso ako at tumingin ako kay Mommy para humingi ng rescue.
"Mister, hayaan mo na sila. Tsaka, gabi na rin tiyak matatapos ang selebrasyon na pupuntahan nila. Delikado naman na bibiyahe pa sila pabalik dito. Masyado nang gabi iyon. Hayaan mo na doon matulog ang anak natin. Sumusunod naman sila sa atin."
Kumunot ang noo ni Dad hudyat na hindi pa rin siya sang-ayon. Pero napabuntong-hininga siya.
"Okay," napangiti ako sa tuwa, "Pero wag na wag ko lang malalaman na ginapang mo ang anak ko, Esquivar, kundi makikita mo ang ilalim ng lupa."
"Opo, Sir."
Asus. Napakagalang ni Tanda sumagot. Noong doon nga ako natulog sa kanila ay ginapang niya ako. Pero gusto ko naman. Charot!
"Bye-bye, Dad, Mom. Love you," mariing hinalikan ko si Dad sa pisngi at maging si Mommy. Kumaway ako sa kanila bago sila tinalikuran.
Naglahad sa akin ng kamay si Tanda kaya humawak ako. Hawak-kamay kaming naglakad palabas ng bahay. Nakita ko ang sasakyan niya sa labas at inalalayan niya ako sa pagsakay pagkalapit namin.
"Bulaklak para sa'yo mahal ko,"
Napangiti ako dahil hindi ko akalain na may pabulaklak pa rin siya. Inabot niya sa akin iyon nang makaupo siya sa driver's seat.
"Thank you,"
Hinalikan ko siya sa pisngi kaya napalingon siya nang mabuhay niya ang sasakyan.
"Wala ba sa labi?" aniya kaya napangiti ako at hinalikan ko siya sa labi, "Sarap."
Natawa ako at inamoy ang bigay niyang pink rose. Ang bango. Alam na alam na niya ang favorite ko.
Pinaandar na niya ang sasakyan paalis at napatingin ako sa kanya nang kunin niya ang kamay ko. Napangiti ako nang pagsiklupin niya ang mga kamay namin at pinatong niya sa hita niya kaya naman umusog ako at sumandal sa balikat niya.
Kahit na wala siyang mamahaling kotse ay mas nagustuhan ko pa ang ganito basta kasama siya. Pakiramdam ko ay ligtas ako palagi kapag kasama siyang bumiyahe.
Napangiti ako nang dalhin niya sa labi niya ang kamay kong hawak niya at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya.
"Kapag nandoon na tayo ay wag kang aalis sa tabi ko, ha?" bilin niya.
"Oo naman. Wala naman akong kakilala doon kundi ikaw."
"Mabuti."
Pinatong ko ang baba ko sa balikat niya at tinusok ko ang pisngi niya gamit ang daliri ko.
"Ang gwapo mo," nakita ko ang pagngiti niya.
"Akala ko ba ay hindi ako gwapo. Sabi mo'y panget at mukhang matanda na ako."
Napanguso ako at hinaplos ang korte ng panga niya.
"Sinabi ko lang naman iyon dahil ginalit mo ako. Pero promise, hindi ko na sasabihin iyon."
"Hindi pala dapat na galitin ka. Nakakatikim ako ng lait ng di oras," natatawang sabi niya.
"Sorry na. Promise, hindi na talaga," napalabi ako dahil nakonsensya ako.
"Hindi, ayos lang. Kasalanan ko kung bakit ka nagagalit. Pero pangako rin, hindi na ako gagawa ng bagay na ikagagalit mo."
Napangiti ako at sinandal ko muli ang ulo ko sa balikat niya. Sana ay palagi kaming ganito.
-
Pagdating namin sa venue ng selebrasyon ay naunang bumaba si Tanda. Kumapit ako sa leeg niya nang pangkuin niya ako. Nang maalis ako sa sasakyan niya ay maingat niya akong binaba. Inayos niya ang buhok ko at dinala lahat sa likod ko.
"Tara," aya niya kaya tumango ako at humawak sa kamay niya. Inakay na niya ako kaya sumabay ako sa kaniya sa paglalakad.
Marami na rin ang sasakyang magagara na narito tila mayayaman ang mga bisita. Nakakita ako ng pamilyar na mukha kaya napaturo ako.
"Mga tauhan mo iyon, Tanda, oh!"
"Wag kang magpahalata na kilala mo sila," aniya kaya naibaba ko ang kamay ko.
"Huh? Bakit?" nagtataka ako.
"Basta," tugon niya lang kaya napatango ako.
Inalalayan niya ako sa paghakbang sa hagdan habang hawak ko ang pouch at dulo ng dress ko. Nang makaakyat kami ay nakita ko na ang venue. Sosyal. At puro sosyal din ang suot ng mga bisita.
Lumakad kami at huminto din nang may photographer pa na kinuhanan kami.
"Hey, develop niyo agad iyan," sabi ko. Souvenir din namin ni Tanda iyon.
"Yes, Mam."
Natawa si Tanda at napailing. Humawak ako sa braso niya at nakita ko ang chief niya na may katabing ginang habang may kausap silang lalake na tila sila nagkakatuwaan.
"Tara, batiin natin sila," tumango ako sa kanya at lumapit kami sa chief niya.
"Sir," Sumaludo si Tanda kaya napangiti ang chief niya at sumaludo rin bilang pagtugon, "Happy golden anniversary sa inyo ni Mrs. Trinidad," dagdag niyang pagbati.
"Salamat at mabuti nakarating ka. Kasama mo pala siya," turo sa akin ni Chief kaya ngumiti ako.
"Happy anniversary to the both of you. Here's my small gift."
Nilabas ko ang gift ko at binigay sa kanila na kinangiti ng mag-asawa.
"Salamat, hija," sabi ng Chief ni Tanda.
Tumango ako at tumingin kay Tanda. Napangiti siya at mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"Oo nga pala. Pwede ba kitang makausap saglit, Esquivar," sabi ng Chief.
"Oo, Sir. Papaupuin ko muna ang nobya ko."
Tumango ang mag-asawa kaya inakay na ako ni Tanda. May naka-reserve para sa kaniya na lamesa at pinaupo ako sa alin sa mga upuang bakante.
"Dito ka lang at wag kang aalis dito. Saglit lang ako na makikipag-usap," bilin niya.
"Okay,"
Ngumiti siya at hinaplos ang buhok ko sa likod bago siya umalis. Sinundan ko siya ng tingin at nang makalapit siyang muli sa chief niya ay inaya siya nito na medyo lumayo sa asawa nito. Nakita ko ang paghawak ni Chief sa balikat ni Tanda.
"You're here."
Napatingin ako sa unahan ko nang may nagsalita. Nakita ko si Mr. And Mrs. Yuan. Ang parents ni Chad. Tumayo ako at ngumiti.
"It's nice to see you here, Mr. And Mrs. Yuan."
Sumama ang timpla ng mukha ni Mrs. Yuan. Pero ngumiti lang ako.
"Hindi naman related ang daddy mo kay Mr. Trinidad at Mrs. Trinidad, kaya bakit ka narito?" nakataas ang kilay na tanong ni Mrs. Yuan.
"Well, invited po ang boyfriend ko rito."
Natawa ng peke si Mrs. Yuan. Kaya ngumiti pa rin ako kahit plastic.
"Mabilis ka ring nakahanap. Pero mabuti na rin iyon kesa mapunta sa'yo ang anak ko. Kita naman, mabilis ka ring nakahanap. I bet, mga kaedaran mo lang ang nakuha mo at pinatyagaan mo na lang dahil wala ka naman mahahanap na kagaya ng anak ko."
Ngumiti ako lalo sa kaniya dahil sa sinabi niya. Kung dati ay naiiyak na ako sa mga panlalait nila, pero ngayon ay wala akong maramdaman kundi kasiyahan.
Alam niyo kasi, kapag may bitter sa inyo, dapat ngitian lang. Mas lalo kasing magngingitngit sa galit ang katulad ni Mrs. Yuan kapag nakitang masaya ka.
Nag-flip ako ng hair at humawak ako sa lamesa bago tingnan si Mrs. Yuan.
"Sa ganda kong ito, hindi kawalan ang anak niyo. Mabuti nga at pinigilan niyo kami, kasi tiyak na impyerno ang buhay ko kung kagaya niyo lang ang magiging biyenan ko."
"How dare you!"
"Roisa, stop it," pigil ni Mr. Chandy Yuan nang mapalakas ang boses ng asawa niya. Umayos ako ng tayo at humalukipkip habang nginitian ang mag-asawa.
"Mabuti naman at lumabas din ang sungay mo. Kaya ayoko sa'yo para sa anak ko dahil ayokong mabahidan ng dugo mo ang pamilya namin. Hindi ka na chinese, tapos may dugo ka pang bastos."
"Well, same to you, Mrs. Yuan... Wait, How bout your business, Mr. Yuan? I heard that your business is going down," baling ko kay Mr. Yuan.
Kita ko na napakunot ang noo ni Mrs. Yuan kaya ngumiti ako habang nakatingin sa reaksyon ni Mr. Yuan na tahimik lang.
"Hindi rin naman siguro kayo pupunta rito kung walang dahilan. Looking for investors?" dagdag ko.
Napatingin si Mrs. Yuan kay Mr. Yuan na nagtataka.
"Chandy, is that true?"
Napahinga ng malalim si Mr. Yuan tila ba problemado.
"Ang bibig mo kasi hindi mapreno," pagalit na bulong niya kay Mrs. Yuan bago tumingin sa akin, "I'm sorry sa lahat ng nagawa ko noon. Hindi naman sinasadya ng asawa ko na sabihan ka ng masasama. Ako na ang humihingi ng tawad. Pasensya na."
Yumuko sa akin si Mr. Yuan kaya napataas ang isang kilay ko na tiningnan si Mrs. Yuan na hindi makapaniwala.
"Hon, what are you doing? Bakit ka yumuyuko sa babaeng iyan?"
"Shut up, Roisa,"
Biglang namatay ang mga ilaw kaya wala akong makita dahil buong paligid ay nagdilim. Napatakip ako bigla ng tenga nang makarinig ako ng sunod sunod na putok. Napaupo din ako. Nakarinig ako ng pagtili hanggang sa marinig ko na ang pagkakagulo ng lahat.
Nang magtagal ang dilim at tumahimik ang putok ay tsaka naman mabuhay muli ang ilaw. Napatingin ako sa paligid ko para hanapin si Tanda. Pero ang nakapukaw nang atensyon ko ay ang pag-iyak ng malakas ni Mrs. Trinidad.
"Oh my god!" tili ng mga ginang na bisita.
Nanlaki ang mata ko nang makita na bulagta si Mr. Trinidad. Napaalis ako sa pwesto ko habang napatingin kay Tanda na may hawak nang baril. Kita ko sa mukha niya ang hindi maintindihan.
"Tanda,"
Lumapit ako kay Tanda at humawak sa braso niya kaya napatingin siya sa akin na tila natulala.
"Anong nangyari?" bulong kong tanong.
"Ikaw ang pumatay sa asawa ko?!" umiiyak na hiyaw ni Mrs. Trinidad.
"Mrs. Trinidad, kausap ko lang si Chief nang mamatay ang ilaw at may naglagay na lang nito basta sa kamay ko."
Napailing si Mrs. Trinidad at humagulgol habang yakap ang duguang si Mr. Trinidad. Agad na may bumuhat kay Mr. Trinidad para isugod ito sa hospital pero napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Tanda nang may pumalibot sa aming mga pulis na hindi niya kasamahan sa headquarters.
"Sumama ka sa amin, General Esquivar."
"No! It's not his fault! Hey!" hindi ko binitawan si Tanda dahil natatakot ako sa binibintang nila at baka anong gawin nila kay Tanda, "Tanda, sabihin mo sa kanila na hindi ikaw," napaiyak ako at tinabig ko ang kamay ng mga naglalagay ng posas kay Tanda.
"Miss, siya lang ang katabi ni Mr. Trinidad at siya lang ang may hawak ng baril. Kaya kailangan niyang ma-imbestigahan.."
Umiling-iling ako at tumingin kay Tanda. Kinuha nila kay Tanda ang hawak niyang baril.
"Hindi nga siya! Dominic, sabihin mo sa kanila."
"Sasama ako sa kanila at papatunayan ko na wala akong kasalanan. Papahatid kita kay Joey. Kaya ko 'to."
Napaiyak ako at umiling sa kaniya pero hinawakan niya ang mukha ko kahit na may posas ang mga kamay niya. Pinunasan niya ang luha ko at tumingin sa akin.
"Sasama ako sa'yo."
"Hindi na, umuwi ka na,"
Hinalikan niya ako sa labi at hinila na agad siya ng mga kapwa niya pulis.
"Dominic! Bitawan niyo siya," humawak ako sa dulo ng dress ko para makahabol sa kanila.
"Joey, ikaw na muna ang bahala kay Bettina," hiyaw ni Tanda.
Mabilis akong sumunod pero agad akong pinigil ni Joey. Nagpupumiglas ako pero hindi niya ako binitawan sa braso.
"Bettina, huminahon ka. Alam ko na walang kasalanan si Rico. Na-frame up siya. Merong nais na pabagsakin siya."
Napatigil ako sa bulong ni Joey. Nakatingin siya sa paligid tila merong tinitingnan.
"Tara," aya niya kaya napasunod ako. Agad na nakaalis ang mga police mobile kasama si Tanda. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa ganito mauuwi ang lahat.
"Nalaman namin ni Rico na narito ngayon ang miyembro ng Dark Sun. At tila nalaman nila ang plano namin na pagmamatyag kaya inunahan nila kami at ngayon, pinalabas nila na si Rico ang bumaril kay Chief. Kaya nila ginawa iyon para hindi namin malaman kung sinu-sino ang Dark Sun."
Napahikbi ako at natigilan. Nagpunas ako ng luha at tumingin kay Joey.
"Dalhin mo ako kay Dominic, please."
"Pero ang bilin ni Rico," aniya pero pinigil ko kaagad siya.
"Please, kailangan ko siyang tulungan."
Napahinga ng malalim si Joey at tumango. Walang kasalanan si Dominic at sisiguraduhin kong lalabas ang totoo.