JUSTICE Rico NAPASUNTOK AKO SA pader at napakuyom ang kamay ko habang nanggagalaiti. Dito ako dinala sa main headquarters at hindi ako pinakinggan ng kapwa ko pulis sa dahilan ko. Wala akong kasalanan pero wala akong magawa nang ikulong agad nila ako. Dito ako mananatili hanggang hindi ko napapatunayan na wala akong kasalanan. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Chief bago pa man merong bumaril sa kanya. "Rico, wag mo nang hanapan ng kasagutan ang nangyayaring krimen. Wag mo na ding ungkatin ang Dark Sun dahil baka mapahamak ka." "Pero bakit, Chief?" naguguluhan ako sa sinabi niya. siya ang kilala kong taong walang kinakampihan at kahit sino ang may kasalanan ay siyang parurusahan niya. Pero ngayon ay iba. Gusto niyang itigil ko paghahanap sa kasong r**e crime na nangyayari rito sa

