Kabanata 21

4610 Words

NO MORE SPACE Bettina HINDI KO ALAM ang nangyari nang magising na lang ako na narito na sa room ko. Sa bahay namin. Napaupo ako nang maalala si Tanda pero napahawak ako sa tagiliran ko nang sumakit iyon. Napaangat ako ng tingin nang bumukas ang pinto at nakita ko si Mommy na may dalang tray na may lamang pagkain. "Mabuti at gising ka na." Imbes na pansinin ang sinabi niya ay nagtanong ako, "Mom, paanong narito ako? Alam ko ay kasama ko si Dominic at nandoon ako sa kanila." Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ni Mommy kaya dinumbol ako ng kaba. "Pinaghanda kita ng favorite food mo," Mas lalo akong kinabahan nang hindi niya sagutin ang katanungan ko. "Mom, bakit hindi niyo po ako sagutin? Ano pong nangyari at narito ako?" Napahinga ng malalim si Mommy at tumingin sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD