TOGETHER AGAIN Rico TINITIGAN KO SI Bettina habang isa-isa kong binabaklas ang pinakabutones ng t-shirt blouse niya. Mariing hinalikan ko ang panga niya pababa sa leeg niya. Sa loob ng tatlong taon na magkawalay kami ay halos magdulot sa akin iyon ng hirap. Pero palagi kong iniisip na para sa ikabubuti niya iyon. Humarap ako sa korte para tuluyan nang madiin sa kaso ang tatlo na si Victor Manansala, Francisco Angeles, at ang walanghiyang si Eddie Romulo. Habang tumatakbo ang kaso ng tatlo at habang nakapiit sila sa rehas ay naisipan namin nila Mama na umuwi sa lugar kung saan nakalibing si Papa. Ayoko man na iwanan at matagal na panahon na mahiwalay kay Bettina na umiiyak ay wala akong choice. Target siya ng ilang myembro ng Dark Sun na nakalaya. Gusto ni Mr. Dimitri na paghiwalay

