JEALOUS BRAT Bettina MAHIGPIT NA NIYAKAP ko si Mama Rosaly nang magpunta kami sa bahay nila Tanda. Sobra ko silang namiss kaya hindi ko mapigilan ang saya ko nang muli ko silang makita. Tinuturing ko rin silang pamilya kaya napamahal na rin sila sa akin. "Dalagang-dalaga ka na talaga, Bettina. Lalo kang gumaganda at tumatangkad." Napangiti ako kay Mama Rosaly at naupo ako sa sofa nila nang akayin niya ako doon. "Kumusta na po kayo?" Tumingin ako kay Tanda na naupo sa tabi ko kahit na masikip ay sumiksik pa. "Ayos lang kami. Ikaw nga ang kakamustahin ko. At gusto ko rin na magpasalamat sa'yo, hija, dahil sa ginawa mong paghanap sa mga taong pumatay sa asawa ko. Sobra na akong nakakahinga ng maluwag dahil ngayon ay alam kong habang buhay nang makukulong ang mga iyon. Salamat ta

