CHAPERONE Bettina THE SOUVENIR, INVITATIONS, venue, seminar for our wedding are all done. At napili rin na isa sa venue ng pre-nup photo namin ay ang headquarters. Maging sa set-up sa isang bar ay kasama rin sa pictorial namin dahil doon nagsimula ang lahat. Lahat ng nangyari sa lovestory namin ay kasama. Syempre, lahat ay naayon sa gusto kong kulay. Walang tutol si Tanda dahil kahit ano daw ang gusto ko ay ako ang masusunod. Hindi din naman nagtagal ang away namin dahil agad siyang nakasunod para sabihin na pinaalis na niya sa headquarters niya si Magdalena. At halos lumuhod at umiyak siya para bawiin ang sinabi ko na hindi ko siya pakakasalan. Syempre, nagseselos lang ako kaya ko nasabi iyon. At sinusubukan ko lang siya. Hindi naman kasi ako magseselos ng walang dahilan. Halata

