BRAT IN THE MARKET Bettina NAKAKAINIS SI BENJ! Imbes na matuloy ang honeymoon trip namin ni Tanda ay hindi na, dahil hindi daw siya papayag na umalis kami gamit ang yatch niya kapag hindi daw siya kasama. Kaya hindi na lang kami tumuloy ni Tanda. Bakit kasi pinamana kay Benj lahat ng yatch? Tuloy ay wala kaming magamit. Pinaghati-hati na agad nila Mommy ang mamanahin namin, and unfortunately, kay Benj ang yatch at ang bahay. Ang sa akin ay lahat ng boutique ni Mommy at yung penthouse nga sa Maynila. Si Kuya ay may sarili naman iyong car company at pinamana nga sa kanya ang dati naming bahay at ang bar. Kay Kuya Drake ay may sariling agency company at sa kanya ang mga hotels. At kay Diko Diesel naman ay ang paliparan, penthouse din sa Maynila, at may sarili na siyang music studio. Si Di

