THE EX
Bettina
HINDI AKO MAKATINGIN kay Tanda habang nagkikilay. Hinihintay na lang namin ang Mama at mga kapatid niya na nagbibihis. Nakatingin ako sa pink mirror ko pero ramdam ko na nakatingin siya sa akin habang nagmamake-up ako.
"Anong oras ka umalis sa kwarto ko?" tanong niya at sinipa ang paa ko dahil kanina pa siya nagsasalita at kapag sinasagot ko siya ay hindi ko siya tinitingnan at sa salamin lang ako nakatingin. Kaya panay ang papansin niya.
"Mga five," tugon ko at kinuha ko ang pink lipstick ko sa make-up kit ko.
Naramdaman ko ang pagtayo niya kaya hindi naman ako mapakali sa kinauupuan kahit na nagpapahid ako ng lipstick. Naupo siya sa tabi ko at napatingin naman ako sa kanya nang agawin niya ang lipstick ko.
"Bakit ba naglalagay ka pa nito? Ako lang naman ang kasama mo at sila Mama, nagpapaganda ka pa lalo," aniya na inis at kinuha niya ang panyo niya.
"Ano ba," pinigil ko siya nang punasan niya ang labi ko.
"Pikit," utos niya at tiningnan ako ng seryoso kaya naiinis na pumikit ako. Naramdaman ko ang pagbura niya sa nilagay kong make-up kaya napanguso ako sa inis, "Sinasayang mo lang ang pera sa ganito. Maganda ka naman pero nagpapaganda ka pa. At kapag ako ang kasama mo ay hindi ka magpapahid ng ganito. Kundi, ang iisipin ko lang ay may pinapagandahan ka."
"Napaka-kill joy mo, Tanda,"
Dumilat ako at tiningnan ko ang itsura ko sa salamin. Wala na ang make-up ko na pinahid ko nang kay tagal.
"Ngayon, mag-usap tayo nang hindi ka tumitingin sa salamin," inagaw niya sa sakin ang salamin ko kaya napatingin ako sa kaniya, "Naiilang ka ba sa akin dahil sa nangyari kagabi?" tanong niya habang nakatitig sa akin.
Tumango ako at napababa ng tingin dahil naiilang talaga ako sa kaniya. Napaangat ako ng tingin nang hawakan niya ang ilalim ng baba ko para ipatingin sa kaniya.
"Wag ka nang mailang. Ginagawa rin naman ng magkasintahan iyon," aniya at ngumiti.
"Paano mo naman nasabi?" napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Natawa siya at bigla akong ninakawan ng halik sa labi kaya kinurot ko siya sa tiyan, "Nakakainis ka. Mamaya ay makita tayo ng pamilya mo."
Lumingon ako sa gawing kwarto ng pamilya niya baka bigla na lang lumabas iyon.
"Alam ko lang. Tsaka kahit na makita nila tayo, ayos lang, alam namam nilang magkasintahan tayo."
Inismiran ko siya at napausog ako nang hapitin niya ako sa bewang para mapalapit sa kaniya. Napahawak ako sa hita niya at pinalo bago tumingin-tingin sa kwarto nila Daniella dahil baka lumabas na lang iyon bigla.
"Tumigil ka nga," inirapan ko siya nang ngumiti siya at pinatong ang baba sa balikat ko.
"Wala pa akong morning kiss," ungot niya kaya siniko ko siya.
"Anong wala? Nakanakaw ka na nga,"
"Oh, nakaw iyon. Wala iyong kiss ko ngayong umaga."
Hindi ko siya pinansin kaya kinikilabutan ako sa pahapyaw niyang haplos sa bewang ko.
"Dali na habang wala pa sila," bulong niya.
Tiningnan ko siya kaya ngumiti siya. Napahinga ako ng malalim at tiningnan ang gawing kwarto ng pamilya niya.
"Sige na nga."
Hinarap ko siya at napayakap ako bigla sa leeg niya nang buhatin niya ako paupo sa isang hita niya patagilid sa kan6ya. Pinisil ko ang pisngi niya sa kapilyuhan ng matandang ito.
"Nakakainis ka na talaga, Tanda."
Sinimangutan ko siya pero ang matandang ito ay ngumiti lang kaya naman ay hindi ko magawang mainis dahil ang gwapo-gwapo niya.
"Mas maganda kung ganito," aniya at tinuro ang labi niya, "Dali na," utos niya.
Wala din naman akong choice dahil baka bigla na lang lumabas ang pamilya niya. Ilalapat ko pa lang sana ang labi ko sa kaniya nang marinig ko bigla ang pagbukas ng pinto sa mga kwarto kaya imbes na halikan siya ay napasubsob ako sa leeg niya.
"s**t! Wrong timing," bulalas niya habang nakayakap pa rin ako sa leeg niya at nakasubsob sa leeg niya.
"Oh, tara na. Natutulog ba si Bettina?" tanong ng Mama niya.
Napakagat ako ng labi at umayos ng upo sa hita ni Tanda. Gusto ko sanang umalis kaso parang tukong nakahawak sa bewang ko si tanda.
"H-Hindi po. Tara na po," sinenyasan ko si Tanda na bitawan ako. Ngumisi siya at binitawan ako kaya agad akong tumayo.
Kinuha ko ang dadalhin kong bag pero inunahan ako ni Tanda at siya ang nagbitbit. Napahinga ako ng malalim at sumunod sa kaniya.
"Dito na lang ako sa likod," sabi ko kay Tanda dahil alangan namang paupuin ko pa sa likod ang Mama niya.
Tila siya hindi makapag-isip dahil naisip niya nga kung saan uupo ang Mama niya. Para hindi na siya makapalag ay sumunod ako kela Daniella. Ang problema ko ngayon ay kung paano ako aakyat.
Inapak ko sa pinag-apakan nila Daniella ang paa ko. Pinilit kong umakyat pero mali ata ang tapak nang paa ko. Napatili ako nang may bumuhat sa akin. Hinampas ko si Tanda na natawa. Natawa din sila Daniella kaya piling ko ay pinamumulahan ako ng pisngi sa hiya.
Nang maiakyat niya ako ay naupo ako sa tabi ni Daniella. Inirapan ko si Tanda na ngumiti at binigay sa akin ang bag ko.
"Kumapit ka, baka mahulog ka pa," bilin niya.
"Naku si Kuya. Kami hindi ka nag-aalalang mahulog, pero si Ate pinaalalahanan mo," parinig ni Daniella na kinatawa ni Tanda.
"Syempre, sanay na kayo, e, ang Ate niyo ngayon pa lang."
"Asus," tukso ni Daniella kaya napangiti ako.
"Teka, para sure," ani ni Tanda kaya nagtataka na sinundan ko siya ng tingin. May kinuha siya sa ilalim ng driver's seat at halos paikutin ko ang mata ko sa nakita ko.
"Tumigil ka nga, Tanda!" suway ko.
"Mas mainam na ito. Baka mamaya ay mahulog ka," aniya at tinali sa bakal ang dala niyang mahabang panali.
Tawang-tawa ang pamilya niya sa kalokohan niya. Halos umusok naman ang ilong ko sa kaOAan niya.
"Ayan," aniya at ngumiti pero inirapan ko lang siyang muli.
"Alisin mo ito. Para naman akong bata," ani ko dahil para pa akong naka-seatbelt.
"Hindi, mas mabuti nang ganiyan," aniya at umalis na para magtungo sa driver's seat.
"Hahaha grabe ka kay Ate, Kuya," tawa ni Danilo.
"Pasensya na, Hija, tila malakas ang topak ng anak ko ngayon," sabi ni Mrs. Rosaly.
"Oo nga po, napakalakas. Tsk."
"Wag ka nang umangal. Aalis na tayo," sabi ni Tanda.
Pinaandar na nga niya ang sasakyan. Kahit na bwisit na bwisit ako sa sitwasyon ko ngayon ay hinayaan ko na at tumagilid ako ng upo para makita ang dinadaanan namin.
Hindi ko pa ito naranasan na sumakay ng ibang sasakyan kasama ng ibang pamilya. Pero pakiramdam ko sa pamilya ni Tanda ay sobrang welcome ako at para nila akong tinuturing na kasama nila sa pamilya. Hindi ko akalain na mae-experience ko sa buhay ko ang ganito.
Mahal ko si Tanda at napamahal na rin ako sa pamilya niya. Siguro nga'y totoo ang destiny. Na-mali siguro nung una, pero ngayon ay siguro ay tama na. Pero masasabi ko nga ba na tama na.. Kami ni Chad ay umabot ng halos isang taon. Kami ni Tanda ay almost one month pa lang.
Pero sa palagay ko sa naranasan ko. Wala sa sukat ng tagal ng relasyon kung talagang magiging kayo. Sa tagal ng relasyon namin ni Chad ay ang puro nararamdaman ko lang ay insecurity, hiding my true feelings, and lies.
Pero kay Tanda. Ramdam ko sa saglit na panahon ang kasiyahan, kalayaan, at totoo sa aking sarili. At parang habang tumatagal ay nagiging masaya ako sa mga simpleng bagay at nakakapag-isip ako ng mabuti sa buhay ko.
Napangiti ako sa naisip ko. Si Tanda na nga ang para sa akin. Walang araw na hindi niya ako pinapakilig. At walang araw na hindi niya ako pinapasaya.
"Dadaan muna ako sa headquarters," sabi ni Tanda.
"Oo nga. Nang maibigay mo itong pablow-out mo sa kanila," sabi ni Mrs. Rosaly.
Napatango ako at napatingin ako kay Tanda na tumingin sa rear view mirror tila hinihintay ang tugon ko. Tumango ako sa kaniya at ngumiti kaya napangiti siya at inalis na ang tingin sa rear view mirror.
Ilang saglit lang ay nandoon na nga kami. Bumaba si Tanda pagkapatay ng makina ng sasakyan niya. Agad namang naglabasan sila Joey mula sa presinto. Kaya hindi na lumakad pa si Tanda para pumasok sa loob.
"Happy birthday, Pre," bati ni Joey at nag-apiran pa sila bago nagyakapan.
"Salamat," ngiting-ngiting sabi ni Tanda.
"Happy birthday, Director General," bati ng ilan na nasa bungad ng presinto.
"Salamat sa inyo. May dala akong makakain pablow-out. Hindi kasi ako maghahanda sa bahay, dahil may lakad kami. Pagpasensyahan niyo na ito."
May dala kaming dalawang malaking bilao gaya ng sabi ni Tanda sa akin na tawag doon. Palabok at pancit daw ang laman. Hindi pa ako nakakatikim ng ganoon kaya hindi ko alam ang itsura at lasa dahil may nakatakip na takip sa palabok at pancit na isang aluminum.
"Naks, kasama mo pala si Bettina. Ano 'to, Pre? Nakatali na agad?"
Umirap ako kay Joey nang pagtawanan ang sitwasyon ko. Natawa si Tanda kaya hinablot ko ang tenga niya at piningot.
"Nakakainis talaga kayo! Alisin mo nga ito!"
"s**t. Joey, tumigil ka nga!" saway ni Tanda kay Joey na lalo namang tumawa.
"Hahaha ewan ko sa inyo. Oh, Pre, gift ko sa'yo. Tiyak akong magagamit mo iyan sa tawag ng pagpipigil."
Binitawan ko ang tenga ni Tanda. May binigay na maliit na gift si Joey na nakabalot pa sa gift wrapper.
"Thanks, Pre. Mamaya ko na lang bubuksan," sabi ni Tanda.
"Oo, mamaya na lang," ngumisi sa akin si Joey kaya pinagtaasan ko siya ng kilay, "Kailangan niyo ng proteksyon sa isa't-isa para nama'y hindi ka bumilog. Ang mga pulis pa naman ay matutulis," bulong niya sa akin at tinapik ang balikat ko kaya hinawi ko ang kamay niya.
"Ano bang pinagsasabi mo?" mataray kong tanong dahil hindi ko talaga maunawaan ang sinasabi niya.
Ngumisi lang siya kaya sinabunutan ko siya na kinangiwi niya.
"s**t Pre! Tulungan mo ako," aniya kay Tanda.
"Ano nga iyong sinasabi mo?" tanong ko.
"Bettina, tama na," pigil sa akin ni Tanda na inalis ang kamay ko sa buhok ni Joey.
Umirap ako at tumalikod sa kanila. Narinig ko na nagpaalam na si Tanda kaya napahinga ako ng malalim. Mabuti naman. Ewan ko ba kung bakit naging magkaibigan ang dalawa. Si Joey ay sobrang nakakainis na kapag nagsasalita'y malalim na halos hindi ko naman maintindihan. Kaya pakiramdam ko'y baka binabastos niya ako.
Ito namang si Tanda ay sulsol. Tuwang-tuwa pa sa kaibigan. Aist. Oo nga, bagay lang pala silang magkaibigan. Parehong nakakainis minsan.
"Sige, pre. Happy birthday. Tuparin mo na ang wish mo," habol pang sabi ni Joey nang makasakay na sa sasakyan si Tanda.
Natawa na lang si Tanda at bumusina bago paandarin ang sasakyan paalis sa harap ng presinto.
"Ano bang sinasabi ng kaibigan mo?" tanong ni Mrs. Rosaly.
"Wala iyon, Ma. ganoon talaga si Joey kapag binabati ako."
"Ano kaya ang regalo niya sa'yo, Kuya?" tanong ni Daniella.
"Ewan ko, baka ballpen lang,"
"Patingin nga, Kuya. Buksan na natin," pangungulit ni Daniella.
"Wag na, saka na lang."
Tumingin sa akin si Daniella at ngumiti kaya nagtaka ako.
"Kuya, si Ate daw patingin."
Aapela sana ako dahil hindi ko naman sinabi, pero kumindat siya sa akin tila sinesenyasan ako na sumang-ayon.
"Oh, ang kulit niyo. Sabi ko mamaya na lang,"
Agad namang inabot ni Tanda ang bigay na regalo ni Joey. Ngiting-ngiti na kinuha ni Daniella iyon at inabot sa akin.
"Buksan mo na, Ate," udyok sa akin ni Daniella kaya tiningnan ko ang gift.
Sinira ko ang gift wrapper at tiningnan ang laman. Isang maliit na kahon at ang pangalan na nakasulat sa kahon ay 'trust'.
"Ano naman kaya ito?" tanong ko.
"Oo nga, Kuya. Ano ba ito?" kinuha sa akin ni Daniella ang regalo ni Joey kay Tanda.
Nabigla kami nang biglang ipreno ni Tanda ang sasakyan. Agad niyang hinablot kay Daniella ang regalo ni Joey.
Napataas ang kilay ko sa reaksyon ni Tanda..
"Ano ba, Anak? Kamuntikan na akong mapasubsob. Ano ba iyan at tila ka nataranta?"
"Wala, Ma."
Hmm. Parang may something sa reaksyon ni Tanda.
-
Rico
Gusto kong murahin si Joey sa binigay niyang regalo sa akin. s**t. Mabuti na lang at walang alam sa ganito si Bettina at Daniella. At mabuti na lang hindi nakita ni Mama..
Ang regalo ba naman kasi nang walanghiyang kaibigan ko ay isang condom.
Tiningnan ko si Bettina sa rear view mirror at nakahinga ako ng maluwag nang wala siyang alam. Kundi, tiyak na kahihiyan ang inabot ko.
Humanda sa akin si Joey kapag nakapasok na ako sa trabaho. Kaya pala ngingisi-ngisi, may kalokohan palang ginawa.
Pinagpatuloy ko na ang pagmamaneho para makarating kami sa lugar kung saan napagplanuhan namin ni Bettina na magpunta.
Sa Villa Magallanes. Sa villa daw iyon ng kaibigan ng Kuya ni Bettina. Sabi ni Bettina ay first time niya din na pupunta doon kaya doon niya naisipan na ayain ako at maging ang pamilya ko.
"Wow! Nasaan ba tayo, Ate? Ang linis at para tayong nasa hacienda."
Pinasok ko sa daan na patag habang kita ang mga tanim na palay na maganda sa paningin. Malamig din ang hangin at malinis ang lugar. Walang kabahayaan at tila nga private property ito.
"Oo, hacienda nga rin ito ni Kuya Xenon. Mas maganda pa sa villa kaya wait ka lang, Daniella."
Napangiti ako dahil sa katunayan ay ito pa lang ang unang beses na mailalabas ko ang pamilya ko na malayo sa lugar namin. Kaya hindi nakakapagtaka na ganyan ang reaksyon ni Daniella.
May sign board na summer theme na Villa Magallanes. Kaya pinasok ko doon ang sasakyan..
"Ihinto mo na d'yan, Dominic," sabi ni Bettina. Masarap din pala sa pandinig ang marinig mula sa kanya na bigkasin ng bibig niya ang pangalan ko.
Hininto ko sa gilid kung saan may nakita akong naka-park na kotse. Nang makapag-park ako ay tsaka ko lang pinatay ang makina ng sasakyan ko.
Agad akong bumaba at nilapitan si Bettina. Tinanggal ko ang nilagay kong tali sa kaniya at napangiti ako nang hampasin niya ako sa balikat nang buhatin ko siya para makababa.
"Ang cheesy niyo. Grabe," react ni Daniella kaya natawa na lang ako at lumapit naman ako sa gawi ni Mama para siya naman ang tulungan ko sa pagbaba.
"Saglit lang, tatawagan ko lang si Kuya Xenon," sabi ni Bettina at medyo lumayo kaya napahinga ako ng malalim na tiningnan siya.
"Baka malaki ang magastos niyo rito, Anak. Tila nasa mamahaling villa pa tayo,"
Tumingin ako kay Mama at ngumiti rito bago siya akbayan.
"Wag kayong mag-alala Mama, libre daw ito dahil pamilya daw ng kaibigan ng kuya ni Bettina ang may-ari. Sabi ko nga ay babayaran ko, pero hindi daw nagpapabayad iyon sa kakilala."
"Mabuti naman pala at makakalibre tayo. Kasi kung iisipin ay tiyak na malaki ang magagastos natin dito. Tingnan mo, may mga foreigner pang pumapasok."
May nakita nga akong mga foreigner na lalake at babae. Tila nga puro may pera ang makakatikim ng ganda ng villa na ito.
"Nariyan na ang sundo natin."
Tumingin ako kay Bettina na lumapit sa amin kaya kinuha ko ang kamay niya.
"Iiwan ko lang ba ang sasakyan ko rito?" tanong ko.
Tumango siya at tiningnan ang gamit namin, "Oo, kasi sa cart tayo sasakay. Ang dadalhin lang natin ay ang gamit nating dala," aniya kaya inalis ko ang kamay ko sa pagkakaakbay kay Mama at pagkakahawak sa kamay ni Bettina.
"Danilo, halika at ibaba natin ang dala nating mga bag."
Kinuha ko ang dalang bag ni Bettina at maging ang kay Mama. Si Danilo ang may dala ng sa kaniya at kay Daniella. Ang dala kong damit ay nakasama kay Bettina dahil malaki naman ang dala niya.
Saktong pagkuha namin ni Danilo sa bag ay siyang hinto ng mahaba at malaking electric cart na kulay puti.
"Tara na po, Mrs. Rosaly."
Sumunod kami ni Danilo sa mga babae na naunang sumakay. Binigay ko sa tila tour guide ang bag namin na nilagay niya sa divider sa bubong ng cart. Sumakay na rin ako at naupo sa tabi ni Bettina.
"Grabe, makakarami ako ng selfie rito. Ang ganda!" tuwang-tuwa sabi ni Daniella kaya napailing ako at humawak sa hita ni Bettina. Naka-shorts at spaghetti strap siya na ayoko sana na isuot niya kaso hindi ko nasaway dahil mas matigas talaga ang ulo niya.
"Picture tayo, Tanda."
Inakbayan ko siya at seryosong tumingin sa camera.
"Ano ba 'yan. Bakit hindi ka man lang ngumiti? Isa pa nga," aniya at tinapat muli ang camera.
Ngumiti na ako at pagkatapos makuha ang itsura namin ay napangiti siya. Ngumiti ako lalo at tumingin sa paligid. Sinuot ko ang salaming dala ko dahil nakakasilaw ang araw.
"Nagpa-reserve ako ng three rooms para sa atin."
"Bakit tatlo? Ayos na iyong dalawa."
Tumingin siya sa akin na nagtataka, "Syempre isa sa akin, isa sa inyo ni Danilo, at sila Mrs. Rosaly at Daniella ay iyong isang room."
Nilingon ko sila Mama sa likod namin na busy sa katitingin sa paligid. Napangiti ako at tumingin muli kay Bettina.
"Sinong may sabi na magsosolo ka? Nagtabi na tayo sa higaan kaya ayos lang na magsama na tayo sa isang rooms. Dalawa lang ang sabihin mo at ayos na kela Mama iyon."
Natawa ako nang sikuhin niya ako. Namumula siya kaya napangisi ako..
"Tumigil ka nga. Basta, iyon na. Tsaka baka ano pa ang isipin ng pamilya mo."
Nilingon ko pa muli sila Mama at nang hindi sila nakatingin ay hinalikan ko sa labi saglit si Bettina.
"Okay."
Umirap siya habang ako ay ngiting-ngiti. Hindi ko mapigilan na halikan siya parati. Parang naaadik na ako sa labi niya na gusto kong kagat-kagatin.
Kung hindi lang niya ako pinigil kagabi sa sobrang gigil ko sa kaniya ay baka hindi ko matupad ang pinangako ko. Ewan ko, sobra akong naiinitan kagabi. Nagparaos tuloy ako sa banyo nang wala sa oras.
Pagdating sa isang napakagandang rest house na tingin ko ay puro kwarto ay bumaba na kami. Bitbit ko muli ang bag namin at magkahawak kamay kaming pumasok habang kasunod sila Mama.
"Ms. Bettina, heto po ang susi ng room na pinareserve niyo."
May isang babaeng empleyado na nakasuot pa ng uniform nito na pink blouse at short na white habang may suot ding sumbrero na pinaghalong pink at white kung saan nakasulat ang pangalan ng villa.
"Thank you," sabi ni Bettina kaya tumango ang babae at umalis na sa harap namin.
"Wow! Dito tayo tutuloy? Ang laki tapos ang ganda," bulalas ni Danilo.
"Heto po Mrs. Rosaly ang susi niyo ni Daniella sa room niyo. At heto naman ang sa inyo ni Danilo, Tanda."
Kinuha ko ang bigay niya at binulsa. Ngumisi ako sa kaniya kaya nagtaka siya. Pinigil ko na mapangiti at tumingin ako kela Mama.
"Ma, dalhin niyo na sa room niyo ang bag niyo. At sasamahan ko lang si Bettina sa room niya."
"Sige, tara, Daniella."
Agad namang umalis ang tatlo tila sabik na sabik na makita ang room nila. Napangiti ako at hinapit ko si Bettina sa bewang para akayin na.
"Sa room mo na lang ang damit ko," ani ko.
"Huh? Paano ka magbibihis nya'n?" taka niyang tanong.
"Basta."
Tiningnan ko siya na humalukipkip at sumabay sa akin maglakad. Napangiti ako at tumingin sa room na nakalaan sa kaniya. Nasa likod niya ako nang buksan niya ang pinto. Pumasok kami at bumungad sa amin ang napakalaking room at maging ng kama. Halata mo rin na mamahalin ang mga gamit na nasa loob.
Nilapag ko sa lamesang nasa tabi ng bintana ang bag niya. Lumapit ako sa kurtina at hinawi ito. Napangiti ako dahil tanaw ang napakalawak na swimming pool. At nakita ko rin ang ilang parte ng villa na tila taniman.
Nilingon ko si Bettina na agad na binuksan ang bag niya. Lumapit ako sa kaniya at pinatong ko ang mga kamay ko sa lamesa habang nasa likod niya ako.
"Magpapalit ka pa?" tanong ko at hinalikan ang balikat niya.
"Oo, yung summer dress ko," aniya at nilayo ang balikat niya sa labi ko kaya napangiti ako.
"Kakain lang naman muna tayo. Bakit magpapalit ka pa?"
Umayos ako ng tayo at niyakap ko siya bago ko amuyin ang buhok niya.
"Syempre, para diretso na. Ano ba, Tanda! Wag mo nga akong landiin!" tili niya nang gumapang ang labi ko sa tenga niya.
Natawa ako at hinalikan ang leeg niya. Kumawala siya kaya nabitawan ko siya. Agad siyang umalis sa harap ko at tumakbo patungo ng banyo. Natawa ako at napahagod ng buhok.
Humawak ako sa lamesa at pumikit bago napabuga ng hangin. Bakit ganito ang nangyayari sa akin? Sobra akong naaakit sa kaniya na halos hindi ko makontrol ang sarili ko na hawakan siya. Nagsimula ito nang sobra akong magselos. Parang pakiramdam ko ay maaagaw siya sa akin kapag hindi ako didikit ng husto sa kaniya.
Umiling ako at lumapit sa kama. Naupo ako at napahilamos ng mukha.
Timpi lang, Rico. Baka maaga tayong magarahe agad kapag nagmabilis ka. Hindi pa handa ang sasakyan mo.
Napailing ako at natawa para sa sarili ko dahil para akong tanga na kinakausap ang isip ko. Wala na, baliw na ata talaga ako.
Napatingin ako sa gawing banyo nang bumukas ang pinto nito. Napatingin ako kay Bettina na suot ang mahabang saya na tila summer dress na tinutukoy niya. Hindi nga kita ang hita at binti niya, pero kita pa rin ang balikat niya.
Sinundan ko siya ng tingin na lumapit sa isang bag niya at napailing ako nang ilabas niya ang salamin niya upang ipatingin sa mukha niya. Tumayo ako at lumapit sa kaniya.
"Wag ka na sabing magpaganda. Tara na at baka mainis mo lang ako."
Hinawakan mo siya sa kamay at inagaw sa kanya ang salamin na nilapag ko sa lamesa. Hinila ko na siya para hindi na makapiglas.
"Nakakainis ka! Napaka-demanding mo!"
Tiningnan ko siya habang naglalakad na kami sa pinaka-lobby ng nakuha naming room na kami lang ang tao.
"Maganda ka na, lalo ka pa nagpapaganda. At mababasa din naman iyan kapag naligo tayo. Kaya ano pa ang saysay ng paglalagay mo ng kolorete sa mukha?"
"Tss. Ewan ko sa'yo,"
Ngumisi ako at binitawan ang kamay niya para hawakan ang bewang niya. Hinapit ko siya palapit sa akin at nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.
"Subukan mong maglagay ng pampaganda sa mukha, baka ituloy ko ang naudlot kagabi," banta ko kaya ramdam ko na natigilan siya.
Tiningnan ko ang reaksyon niya kaya napangiti ako nang makita na namumula siya. Napakaganda niya talaga. Ang ganda niyang hindi ko pagsasawaan.
Naupo kami sa sofa habang hinihintay ang pamilya ko na hindi pa lumalabas.
"Ikaw, wala ka bang regalo sa akin?" bulong ko sa kaniya habang akbay ko siya at magkasiklop ang kamay namin habang nakaupo.
"Meron, sa inyo ko na lang ibibigay," napangiti naman ako sa sinabi niya at hinalikan ang ulo niya.
"Salamat. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon at napagdidiwang ko ang kaarawan ko na kasama ang mga mahal ko. At isa ka doon. Nag-iisang nagpapatibok ng puso ko."
"Talaga? Ako lang, ha?" tanong niya at tumingin sa akin. Ngumiti ako at tiningnan din siya.
"Oo. Dahil hindi na ako magmamahal pa ng iba. Ikaw lang."
Ngumiti siya at binigyan ako ng halik kaya hindi ko mapigilan na ngumiti pa lalo ng malaki bago ko siya bigyan ng isang mapaghanap na halik.
"Ako man. Ikaw lang din ang minahal ko ng ganito," sagot niya at muling naglapat ang labi namin.
Nang makarinig kami ng yapak ay nagbitaw kami at umayos ng upo pero nakaakbay pa rin ako sa kaniya.
"Kakain na ba tayo? Nagugutom agad itong si Daniella sa haba ng byahe natin," sabi ni Mama kaya tumayo na kami ni Bettina.
"Opo, Mama. Tara na at gutom na gutom na rin ako," ani ko at ngumiti kay Bettina para sabihin na sa labi niya ako nagugutom.
Ngumiti siya at pasimpleng hinampas ang tiyan ko. s**t. Hindi ko ata kakayanin ang kaligayahan sa kaarawan ko. Ito na ang pinakamasaya sa lahat lalo't meron na akong babaeng mahal na kasama ko na pinagdidiriwang ang kaarawan ko.
Naglakad kami sa patag na bato ngunit gawa sa bricks na bato. Tahimik ang paligid at tila magiging masaya ang pananatili namin dito dahil kaunti lang din ang naglisawang tao.
"Good morning, Ma'am and Sir,"
Ngumiti kami sa sumalubong sa amin na mga tauhan ng kainan. Katulad lang din ng uniform ng babaeng nagbigay sa amin ng susi ng room namin. Sabagay, iisa lang naman ang pinagtatrabahuan nila.
Sa animan na upuan kami dinala ng mga serbidora. Style kubo ang kainan at malamig nga sa pwesto namin dahil katabi ng kainan ay yung parteng malawak na swimming pool.
"I-serve niyo na ang in-order ko sa inyo," sabi ni Bettina nang makaupo kami.
Tumango ang mga serbidora at umalis na rin. Marami rin ang kumakain dito at nakita ko na ang iba ay mga may lahi.
"Grabe, ang sosyal dito," tuwang-tuwa na sabi ni Daniella na hawak ang camera niya.
Sumandal ako sa kinauupuan ko na gawa sa rattan. Pinatong ko ang braso ko sa upuan ni Bettina at napangiti na tiningnan ang pamilya ko.
"Masarap ang pagkain dito kaya tiyak ako na sulit ang pagdala ko sa inyo rito," si Bettina.
"Naku, Ate, sa room pa lang natin ay sulit na, paano pa kaya kung malibot natin ang buong lupaing ito. Ang ganda. Tiyak na pagkakaguluhan ako ng mga kaklase ko dahil nakapunta ako sa ganito kagandang lugar."
Napailing ako sa sinabi ni Daniela. Tila nasa bundok.
"Kung mapupunta ka sa BF Island ng Ate Bettina mo ay tiyak ako na mas maganda iyon kesa rito."
"Talaga?" namilog ang mata ni Daniella kaya natawa ako nang mapatingin ako kay Danilo na surang-sura ang mukha.
"Ma, nakakahiya na itong si Daniella. Baka pagkamalan pa tayong taong bundok."
Natawa si Mama at napailing sa mga kapatid ko.
"Tumigil na nga kayo at maging masaya na lang at naranasan niyo na makapunta sa ganito," sabi ni Mama at tumingin kay Bettina, "Salamat, Hija. Kita ko sa mukha nang anak ko na lalo siyang sumaya nang makilala ka."
Tumikhim ako dahil sa akin na naman nauwi ang usapan.
"Walang anuman po iyon, Mrs. Rosaly. Sa katunayan ay ako nga po ang mas sumaya nang makilala ko si Tanda este si Dominic."
Ngumisi ako at niyakap ng braso ko ang leeg niya.
"Ang sweet naman ng mahal ko," sabi ko kaya natawa siya.
"Ang corny mo," aniya kaya natawa ako.
"Oo nga pala, Hija. Napansin ko na palagi mo akong tinatawag na Mrs. Rosaly. Masyadong pormal. Tawagin mo na lang akong Mama dahil mas matatanggap ko pa iyon."
Napangiti ako sa sinabi ni Mama dahil ibig sabihin lang no'n ay pabor na siya na maging anak si Bettina.
"Naku, nakakahiya naman po. Pero sure po kayo na pwede ko kayong tawagin ganoon kahit na boyfriend ko pa lang po si Dominic."
Nahiya pa. Magiging Mama niya rin naman si Mama balang araw.
"Oo naman. Tsaka wala naman sa status niyo iyan. Basta, mas matutuwa ako na tawagin mo akong Mama."
"Sige po."
Sinerve na ang pagkain na inorder ni Bettina kaya nagsimula na kaming kumain. Masasarap ang pagkain at talagang nakakabusog sa mata lalo pa't mga lamang dagat ang nakahain. Bonus na lang ang beef steak.
"Hay grabe! Busog na busog ako," bulalas ni Daniella nang makalabas kami ng kainan.
"Mabuti na lang at nagustuhan niyo. So, where are we going now?"
"Ako ay magpapahinga na lang muna sa room natin. Kayo mga anak, saan ba ninyo gustong pumunta? Basta ay wag kayong magpapaligaw dahil tiyak na mahihirapan ako na hanapin kayo."
Natawa ako kay Mama at lumapit sa kaniya, "Wag kayong mag-alala, Mama, ako ang bahala kela Danilo."
"Oh, sya-sya. Wag niyo na akong ihatid at tanda ko pa naman ang daan sa room natin. Sige na, mamasyal na kayo at sayang ang oras."
"Sure kayo? Ihahatid muna namin kayo?" tanong ko.
"Hindi na. Sige na, at gusto ko na lang na tumanaw sa bintana dahil maganda din ang tanawin doon."
Wala akong nagawa kundi ang tumango sa desisyon ni Mama. Sabagay, hindi na rin niya siguro hilig dahil maedad na rin siya at baka napagod din sa byahe.
"Kapag kailangan niyo po ng maiinom o makakain just press the number 1 button, Mama. Dadalhan po kayo ng pagkain ng mga tauhan ng kainan na kinainan natin," sabi ni Bettina. Napangiti ako sa tinawag niya kay Mama.
"Sige, salamat, hija. Ikaw na rin ang bahala sa tatlong iyan. Pasensya na at pasan mo ang tatlo."
"Si Mama. Anong akala niyo sa akin bata na papasanin pa ni Bettina? Ako ang bahala sa kanila kaya wag na kayong mag-alala. Sige po, aalis na kami."
Tumango ito at ngumiti sa akin. Tiningnan muna namin ito na bumalik sa daang nilakaran namin. At nang mawala sa paningin namin si Mama ay inaya ko na ang tatlo.
"Doon tayo sa apple farm. Baka anihan na ng apple ngayon kaya pwede tayong kumuha doon ng kahit ilan ang gusto natin," sabi ni Bettina.
"Sige, Ate. Tara na dali!"
Hinatak ni Daniella si Danilo kaya napangiti ako at inakbayan si Bettina habang nakapamulsa ang isang kamay ko sa suot kong pantalon.
Pero napatiim-bagang ako nang mapatingin ako sa gawing swimming pool. Agad kong hinila ng mabilis si Bettina pasunod kela Daniella na nauna sa amin.
"Ano ba, Tanda? Bakit ba nagmamadali ka?" tanong ni Bettina na hindi ko sinagot.
Anong ginagawa ng lalakeng iyon rito? Napakuyom ako ng kamay at tiningnan si Bettina.
Shit. Hindi kami pwedeng magtagal dito. Dahil tiyak na magkikita ang landas ni Bettina at ng ex-boyfriend niya.